Dahil gabi na nang matapos ang debut party ay kinabukasan na ako nagbukas ng mga regalo. Kung dati ay karamihan libro ang madalas kong matanggap, ngayon ay puro mamahaling damit, bag, at mga alahas ang natanggap ko. Hindi naman na surpresa sa'kin iyon dahil kumbaga ay inaasahan ko na na mga gano'ng bagay ang ireregalo ng mga bisita nila mom at dad.
Inuna kong buksan ang mga regalo ng mga business partners nila dad dahil balak kong ihuli 'yung regalo ng mga kaibigan ko. Nang matapos kong buksan lahat ng mga iyon ay nagsimula na 'kong buksan ang sa mga kaibigan ko. Hindi ko tuloy alam kung paano gagamitin ang mga iyon dahil sa sobrang dami. Isa pa ay hindi ako sanay gumamit ng mga mamahaling damit, bag, at alahas. Mas mabuti na lang siguro na itabi ko iyon kaysa naman gamitin at ipangalandakan sa iba. Para saan? Para magyabang?
Inuna ko 'yung regalo ni Cholo. Pagbukas ko ay tumambad sa'kin ang isang string bag na may design na Baymax. Natatawa naman akong itinabi iyon. Sunod ay ang kay Carmen na isa namang mug na may nakasulat na 'Good friends are like stars. You don't always see them but you know they're always there'. Natouch naman ako sa nakasulat doon. Dahan-dahan ko iyong inilapag at binalik sa lalagyan.
Sumunod ang kay Jeya na isang travel cofee mug. Nakakatuwa ang design no'n dahil mata lang iyon ngunit may makapal na pilik-mata. Ang regalo naman ni Alice ay isang pink na pouch na may design na hello kitty. Ang kay Andeng ay isang mermaid pillow. Ang kay Ed ay notebook at ang kay Kiel naman ay mini purse.
Sunod kong binuksan ay 'yung kay Chelsea na isang sunglasses at ang kay Jeorga naman ay white crop top. Sumunod ay ang sa mga iba ko pang kaklase at mga relatives. May mga libro ulit kagaya ng inaasahan pero ang karamihan ay mga damit. Sa totoo lang ay mas nagustuhan ko pa ang mga regalo ng mga kaklase ko kaysa sa mga business partners nila dad. Hindi ako gaanong pamilyar sa mga gano'ng klase ng damit kahit pa mga branded.
Tiningnan ko ang lahat ng mga regalo na natanggap ko. Halos mapuno na ang espasyo sa buong sahig nitong kwarto dahil sa sobrang dami. Ang regalo sa'kin nila mom at dad ay condo unit sa Makati. Nabigla naman ako nang sabihin nila sa akin 'yon pero hindi na ako nakatanggi dahil para daw doon ako uuwi kapag nagtrabaho na ako sa kumpanya. Isang mamahaling necklace na may heart pendant naman ang regalo sa'kin ni Chad. Nagtataka ako dahil sa dinami-rami ng pwedeng balutin ay bakit naman necklace? Medyo napaisip lang ako.
Ang regalo naman nila mama at papa sa'kin ay deluxe album ng lover. Iyon na yata ang pinakagusto kong regalo sa lahat. Habang ang kay kuya naman ay mga TS merch kagaya ng damit at mga accessories. Sa kanilang regalo yata ang pinakanagustuhan ko to be honest. Alam na alam talaga nila mama kung ano 'yung mga bagay na gusto ko.
Pagkatapos kong ayusin ang lahat ay lumabas na ako para kumain ng almusal. Alas siyete pa lang ng umaga pero pakiramdam ko late na ako ng gising. Linggo ngayon at bukas na bukas ay may pasok na agad. Paniguradong hindi pa naman agad magpapasukan 'yung iba dahil katatapos lang ng sem break at Halloween break. Baka nga 'yung iba ay nasa probinsya pa at nagbabakasyon. Maging ako din naman ay hindi rin namamalayan na mabilis palang tumakbo ang oras. Parang kahapon ay ang bagal tumakbo ng oras lalo na kapag nagsasayaw ng 18 roses ngayon naman ay hindi ko na namamalayan na may pasok na naman pala bukas.
Pagkatapos kong kumain at maghugas ay bumalik ako sa kwarto para magligpit dahil medyo makalat pa din. Magbabasa sana ako ng wattpad kaso biglang may nagchat. Pagkatingin ko kung kaninong pangalan...
Si Jake...
Hindi ko muna binuksan iyon dahil naalala ko na naman 'yung nangyari kahapon. Aaminin ko na sobrang saya ko kahapon pero parang wala ang lahat ng saya na nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko na hindi nagpunta si Jake. Siya ang isa sa mga inaasahan kong dadalo pero wala siya.
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...