It's the most wonderful time of the year~ I heard that song everywhere I go.
Maraming tao sa paligid ang masaya at animo'y walang problemang dinadala. Pasko ngayon at maaga kaming gumising para magsimba. Pagtapos kasi namin magsimba ay nakaugalian na naming pumunta sa bahay ng tita ko sa Montalban para doon magcelebrate ng Christmas, or should I say ng Christmas party.
That's our culture every Christmas day, hindi kami nasanay na magnoche buena kapag December 24 dahil ang pinakanoche buena namin ay sa mismong pasko.
Nakakatuwa na ang daming nagsisimba kapag pasko dahil naaalala nila ang tunay na diwa nito, ito ay ang ipagdiwang ang kaarawan ni Kristo. Ngunit ang nakakalungkot lang na parte ay iyong maraming nagsisimba kapag pasko, 'pag pasko lang pero 'pag ordinaryong araw ay bilang lang ang makikita mong tao sa loob ng simbahan.
Pagkatapos ng misa ay nag-picture taking muna kami bago sumakay ng fx papunta kila tita.
Pagdating namin ay mukhang hindi pa naman kami late. May mga bisita kasi sila tita kapag umaga usually mga inaanak nila na namamasko.
Pagkaalis ng mga bisita ay maglulunch muna kami. Then after ng lunch tsaka kami mag-paparlor games. Gano'n ang nakasanayan namin every Christmas.
Hindi naman na ako nag-eexpect na makakatanggap ako ng regalo kapag pasko. Siyempre hindi naman na ako namamasko sa mga ninong at ninang ko. Grade 5 pa noong huli kong punta sa mga ninong at ninang ko then simula grade 6 hindi na ako namasko ulit. Binibigyan naman ako nila tito at tita ng pamasko at okay naman na 'yun sakin, wala naman na akong ibang binibili eh.
I opened my Facebook app para mag-update. Pero puro "Merry Christmas" naman ang laman ng news feed ko ano pa nga ba?
Brent:
Merry Christmas Baby!
Nashookt ako sa chat niya. Ngayon niya lang ako tinawag nang 'baby'. Hindi naman kasi ako nagpapatawag nang gano'n. I don't like an endearment.
Alexa:
Merry Christmas din ☺️Brent:
Saan ka ngayon?Alexa:
Dito kila tita.Brent:
Date tayo?
Muntik ko nang mabuga 'yung iniinom kong juice.
Alexa:
Hindi ako pwedeeeeBrent:
Palagi naman ehAlexa:
Sorry talaga pero kasi diba alam mo naman na wala kami sa bahay pag pasko?Brent:
Kahit naman hindi ngayon mismo eh. Miss lang kita Alexa hindi nga tayo nakapagdate nung field trip ☹️
Sa tuwing nauungkat 'yung about sa date dapat namin nung field trip, nakokonsesnya ako. Feeling ko kasalanan ko rin talaga kung bakit. Nakasakay kami ni Jake sa isang rides tapos hindi man lang kami nagkita.
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...