Kabanata XL

17 2 0
                                    

"What the f*ck are you doing here!?"



Pare-pareho kaming napalingon sa nagsalita. Nasa tapat na ng pinto si Chad at halatang kapapasok lang. Nagsimula akong gapangan ng kaba pagkakita ko sa kaniya. Ewan pero simula nang pagtangkaan niya ang buhay ko ay hindi na nawala ang kaba ko sa tuwing makikita ko siya. Malayong malayo ang presensiya niya kumapara kay Damien na kahit tauhan niya at bihasa sa pakikipaglaban ay hindi ako nagawang saktan samantalang siya na halos kaedad ko lang ay muntik na akong mapatay.


"C-Chad... She's here... She came back," masayang sabi ni Ms. Elissa. "Chad she cam—–"



"I said what the f*ck are you doing here!?" pag-uulit na sigaw niya dahilan para magulat ako.



"Chad ano ba!" saway sa kaniya ni Mr. Angelo.



"Mom, Dad, why?" galit ngunit malungkot niyang sabi. "Bakit kailangan ninyo pa siyang hanapin eh nandito naman ako?" Pumatak ang luha sa kaniyang mga mata.



Lumapit sa kaniya sila Mr. at Mrs. Suarez para damayan siya. Nakaramdam ako ng awa kahit may takot at kaba pa rin sa akin. Naaawa ako kay Chad dahil noon pa man ay sinabi na niya sa'kin na hindi niya gustong makita ako ng parents niya dahil baka mawala ang atensyon nito sa kaniya at mabaling sa'kin.

"Anak alam mo naman 'di ba na matagal na namin hinahanap ang kapatid mo." Mahihimigan ang pakikiusap sa boses ni Mr. Angelo Suarez.



"But Dad! Can't you see? I'm trying my best to be a good son! Ginagawa ko ang lahat para lang hindi ninyo maisip na hindi sayang ang pagkupkop ninyo sa'kin. Pinunan ko ang pagmamahal na hindi naibigay sa inyo ng tunay ninyong anak. I did my best to be not just a good, but perfect son to the both of you yet you're still longing for that girl!? What the f*ck!" inis na sabi ni Chad.


"Watch your words!" galit na sabi ni Mr. Angelo. "Don't you dare curse your parents!"


"But you aren't my parent's, right?" nakangising sabi ni Chad. "Ngayong nahanap ninyo na ang totoo ninyong anak, pwede ninyo na ako ulit ibalik sa pinaggalingan ko tutal may pagpapasahan na kayo ng pangalan ng lahat ng kayamanan ninyo. Iyon lang naman ang dahilan ninyo kaya ninyo ako inampon 'di ba? Ang manatili ang yaman sa angkan ninyo? " Mahina siyang natawa tsaka muling nagsalita. "Pera lang naman ang importante sa inyo, hindi ba?"



"Sumosobra ka na!" galit na sigaw ni Mr. Angelo at sinuntok si Chad dahilan para magkagulo kaming apat.


"Angelo tama na!" awat ni Ms. Elissa.



Sinampal ko ang sarili ko, pilit kinukumbinsi na panaginip lang ang lahat ng ito. Sana nga ay panaginip na lang, pero hindi. Ramdam ko ang sakit nang idapo ko ang kamay ko sa pisngi ko. 


"Tumgil ka na Chadwick! Hindi ka naming pinalaki nang ganiyan! Ni minsan ay hindi namin sinumbat na kinupkop ka lang namin para may mapagpasahan ng mana!" Masama ang tingin ni Mr. Angelo kay Chad ngunit nakangisi lamang ito sa kaniya habang masama din ang tingin.


"Tsk!" asik niya tsaka dumura nang maramdamang may dugo sa kanang bahagi ng labi. "So bakit ninyo ako inampon kung gano'n?"



"Chad tama na. Angelo, please tama na," pakiusap ni Mrs. Elissa ngunit parang walang naririnig ang dalawa.



"Because we need a child!" angil ni Mr. Angelo.


Until When?Where stories live. Discover now