Kabanata II

47 3 0
                                    

Why oh why do I feel this way, when I'm with you I feel so alive.

Narinig ko na naman 'yung kantang 'yan. Nakakainis! Bakit feeling ko para sa'kin 'yan. Feeling ko pag tinutugtog 'yan parang nakakarelate ako lagi.

Nakakainis!

I hope I can still fight this feeling habang maaga pa. Sana nga. Sana lang---

"Lexi! Anong ginagawa mo diyan? Para kang tanga!" narinig kong sabi ni Jake habang nasa likod ko at tumatawa.

Nandito kasi ako sa corridor ng building namin habang nakapangalumbaba. Narinig ko kasi 'yung kanta nung six part invention kaya napapause ako dito. Bad trip naman 'tong lalaking 'to sulpot nang sulpot.

"Kumain ka na?" tanong sabay alok nung kinakain niyang tuna sandwich.

"Eh ano namang pakialam mo!?" naiirita kong sabi.

"I'm just asking you. Bakit ka nagagalit?"

"Bahala ka diyan!"


Iniwan ko na siya. As much as possible sana, gusto ko muna lumayo sa kaniya. Gusto ko muna mag self distancing sa kaniya para mapigilan ko pa 'tong nararamdaman ko. I hope it's possible.

Umupo na lang ako sa upuan ko at bumalik sa pag fafacebook. Bigla akong kinalabit ni Cholo at may binigay.

"Pinabibigay nung lalaking matangkad, 'yung STEM," sabi niya sabay abot sa'kin ng isang tuna sandwich at orange juice.

Nakakainis! Bakit niya ba ginagawa 'to!?

Bago ko pa makain 'yung tuna sandwich na binigay ni Jake ay dumating na 'yung teacher namin sa business math na si Mrs. Fernandez.

Halos buong lesson ay wala akong naintindihan. Iniisip ko pa rin 'yung mga bagay na ginagawa niya. Ewan basta! Hindi pa rin naman ako sure sa feelings ko eh. Basta para sa'kin best friend ko pa rin siya. And I'm so thankful to have a friend like him.

Naalala ko nung grade 9 kami. May JS prom that time tapos nagtataka ako kasi 'yung mga kaklase ko puro tanong kung sino daw partner mo sino partner ni ganito. Eh that time first time ko pa lang naman makaranas ng JS prom kaya hindi ko naman alam na kailangan pala ng partner. Eh siyempre ako, hindi naman ako famous or what para maraming mag-aya sa'kin na partner ako.

That time medyo close na kami ni Jake no'n. Tinanong ko si Ara kung may kapartner na ba siya sabi niya naman halos lahat daw kasi ng mga classmates namin eh may partner na, sakto naman daw napag-usapan nila ni Kenneth 'yung about do'n and since wala naman daw sila parehong partner, they decided na maging partner na lang nila 'yung isa't isa.

Habang pinag-uusapan namin ni Jake 'yung about sa prom, nakikinig sa'min si Kenneth. Then sabi niya wala rin daw siyang partner. He asked me kung pwedeng ako na lang, I agree naman since wala pa akong partner noon tapos sabi ni Kenneth na kami na lang daw ni Jake dahil pareho naman kaming walang partner kaya ayun, kami na ang naging magpartner sa prom.

Nung dumating 'yung prom, sobrang daming nangyari at dahil first time namin na makaranas nang gano'ng klase ng kasiyahan ay sobrang nag enjoy ang bawat isa sa amin. Kapag ang kanta ay rock o kaya pop songs, pumunta lahat sa gitna para sumayaw. 'Yung iba ang wild sumayaw, meron namang todo hataw, ako naman sumasama lang sa mga kaklase ko para sumayaw ng kung anu-anong steps.

Kapag ang kanta naman is magpapalit from rock to slow dance, magtitilian na 'yung mga students dahil isa-isa nang pupunta 'yung mga couple sa gitna para sumayaw. Kapag wala kang jowa at lalaki ka, pwede kang humanap nang gusto mong isayaw pero kapag wala kang jowa at babae ka, maghihintay ka lang na may sumayaw sa'yo. Kahit hindi mo gusto o hindi mo kilala 'yung lalaki, dapat 'wag ka nang choosy dahil wala ka namang choice. Huwag ka nang maarte 'teh! Hindi ka maganda! At kung ayaw mong sumayaw edi magbutas ka na lang ng bangko habang nakatangang nanonood sa mga mag-jowang sumasayaw!

Until When?Where stories live. Discover now