Kabanata XXXI

17 3 0
                                    

Pagdating ko sa waiting shed na napag-usapan, si Hannah, Eula, Jason at Sheyn pa lang ang naroon. Si Jason at Sheyn ay taga HUMSS A, magjowa yata sila. Saktong ala singko na, buong akala ko ay late na ako dahil ang bilin ni ma'am ay before 5 dapat nandito na. Filipino time nga naman.


Naupo ako sa kahabaan ng shed. Nginitian lang ako ni Eula at Hannah habang busy sila magkuwentuhan. Wala pa 'yung mga STEM, nakakapanibago na late yata ang mga teacher's favorite. Akala ko pa naman ay nandito na si Jake kaya nagmamadali rin ako.



Napatingin ako kay Jason at Sheyn na busy na ngayon magcuddle sa gilid. Napapikit ako at napaiwas ng tingin. Bakit naman palagi sa harap ko pa ako nakakakita ng mga ganun?


Umusog naman ako nang konti para marinig ang usapan nila Hannah at Eula. Tahimik ang paligid dahil maaga pa kaya dinig ko ang mahina nilang usapan.


"Ayoko naman din ng posisyon na 'to," narinig kong sabi ni Hannah.


"Kaya mo yan mas magaling ka pa nga kay Aiya eh," sagot sa kaniya ni Eula.

I wonder ano kayang pinag-usapan nila? Speaking of posisyon tapos nabanggit si Aiya na dating class president ng ABM C? I'm pretty sure na si Hannah na ang naelect bilang class president nila. Hindi ko naman close si Hannah pero sigurado akong mas magiging magaling siya na president.


"Mas sumusunod sila kay Aiya," malungkot na sabi niya, "sa'kin hindi," dagdag pa niya.


Parang nalungkot din ako nang marinig iyon, karamihan kasi sa mga kaklase nila ay close kay Aiya at kaibigan pa nito kaya hindi malabong dito sila susunod at hindi kay Hannah.


"Pero mas responsable ka naman," sagot ni Eula.


Maya-maya ay dumating na sila Ma'am Corales sakay ng isang fx. Nagulat kami nang makitang nandoon na rin ang mga STEM students at ang HUMSS A na si Niana.


"Paano sila napunta ro'n?" takang tanong ni Eula.


"Baka sinundo?" sagot naman ni Hannah.


"Imposible."


Pumunta na kami kung saan huminto 'yunt fx na sinasakyan nila ma'am. Hindi kasi tinted 'yung salamin kaya kitang kita na nandoon na sila. Agad na hinanap ng mata ko si Jake pero wala siya.


Pumasok na sila isa isa at humanap ng kani-kanilang puwesto. Samantalang ako ay nakatayo lang at hinahanap kung nasa'n si Jake. Bakit naman kaya wala siya pero nandito na lahat ng STEM?


"Alis na ba? Wala nang hinihintay?" Nilingon kami ni Ma'am.


"Si Jake po ma'am," sagot ni Russel na nakaupo sa may dulo.


"Asa'n na raw siya?" bakas ang inis sa boses niya.


"Nagchat po sa gc malapit na raw," sagot ni Russel habang nagsscroll sa cellphone niya.

Until When?Where stories live. Discover now