Kabanata XXV

21 3 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas mula nang komprontahin ko sila Mama tungkol sa sinabi sa'kin ni Chad. Totoo pala ang lahat at walang halong kasinungalingan ang mga sinabi ni Chad. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa nalaman ko. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman.


Kahit nanggaling na mismo kay Mama na totoo nga iyon ay parang ayoko pa rin paniwalaan. Pinipilit ko naman na ipasok sa kukote ko 'yung mga sinabi nila at narinig ko pero mismong 'yung utak ko ang umaayaw, hindi pa rin mag sink in.


Sa sobrang dami nang nalaman ko, pakiramdam ko ay sasabog na 'ko dahil sa mga iyon. Kahit na hindi ko alam kung ano ba'ng dapat kong maramdaman ay halo-halong emosyon ang naglalaro sa isip at katawan ko. Parang pinaglaruan ako ng mundo.


Nang dahil sa mga nalalaman ko ay tila ayoko nang lumabas dahil baka saktan na naman ako ni Chad. Nagkaroon na yata ako ng trauma sa mga van kaya ayokong lumabas baka makakita na naman ako ng gano'n. Natrauma na rin yata ako sa mga lalaking nakasuot ng itim na slacks, matangkad at payat. Ang weird ko na grabe. 


Paano na lang kung mahanap ako nang mga tunay kong magulang? Kahit pa alam ko na na sila ang totoo kong magulang, ni hindi sumagi sa isip ko na gustuhing makasama sila. Sabihan ninyo na 'kong masama pero hinding hindi ko gugustuhin na mapunta sa mga tao na minsan na akong binalewala. How unprofessional! 


Bakit ngayon pa nila ako hahanapin kung kailang huli na? Masaya na 'ko sa pamilya ko ngayon kahit hindi man kami kasingyaman nila. Money cannot buy happiness.


Narinig kong bumukas ang pinto ng kuwarto ko, pumasok si Mama at may dala siyang tray.



"Sabi mo ay may brigada kayo ngayon?" nakangiting tanong niya.


"O-Opo." Napayuko ako.


Parang ayoko nang umattend ng brigada dahil baka maulit na naman 'yung nangyari. Kaso hindi naman ako pwedeng mawala ro'n dahil nirequired 'yon ng adviser namin.


"Bakit hindi ka pa nag-aayos?" Inilapag niya ang tray na hawak niya at muling tumingin sa'kin. "Alam kong hanggang ngayon ay naguguluhan ka pa rin sa mga nalaman mo pero anak..."


Taka kong tiningnan si Mama nang huminto siya sa pagsasalita. She looks so tired and sad at the same time. May luhang tumulo sa kanang mata niya. I hate it the most when my mom's crying, I just want to cry too.


"Kahit anong mangyari, 'wag mong iisipin na hindi ka namin mahal kaya namin tinago sa'yo lahat ng 'to. At kahit na hindi tayo mayaman, sapat naman na na mahalin ka namin nang sobra." She smiled at me. 


I wiped her tears that flowing from her right eye. "Ma naman eh! Siyempre naman! Alam ko naman kung gaano ninyo ko kamahal eh and I'm thankful that you loved me kahit na hindi ako galing sa inyo." I said, tears are flowing.


"Galing ka sa'kin," she said seriously. "Mahal na mahal ka namin."


We shared a hug that lasted for a moment. I can't imagine myself not being with this family.


Until When?Where stories live. Discover now