Binilisan ko ang lakad ko na parang kinagulat naman ni Brent. Nag-iwas na ako ng tingin nang magtama ang paningin namin ni Chad. Mas lalo akong nakakaramdam ng takot lalo na kapag titinginan niya ako nang matagal. Para bang kahit malayo ako sa kaniya ay pinapatay na niya ako sa isip niya.
"Lexa bakit?" nagtatakang tanong ni Brent habang naglalakad kami.
"Anong bakit?" maangmaangan kong sabi. Batid kong alam niyang may hindi magandang nangyayari.
"Okay ka lang ba?" he asked.
"Y-Yes of course," I replied then smile.
Napansin ko ang pag-aalala sa mga mata niya kaya naman mas lalo kong nilawakan ang ngiti ko para ipakita na okay lang ako. Ayoko naman nang may iba pang nadadamay dahil sa personal kong problema. Sobra sobra na nga ang sakit na binibigay ko sa kaniya tapos pag-aalalahin ko pa.
"You can tell me your problem, it's okay with me," he suggested.
"No it's okay, wala naman problema may naalala lang 'ko," pagsisinungaling ko.
"You sure?" paniniguro niya.
"I'm pretty sure," nakangiti kong tugon.
Nang makarating ako sa assigned room ay nagpaalam na 'ko kay Brent. Pinahiram niya sa'kin 'yung pamaypay na dala niya dahil mainit. Nagulat ako nang dumiretso siya sa pinakadulo na room nitong floor at pumasok. Ibig sabihin ay katabi lang namin ang room nila.
Hindi pa din kami nakakalipat ng school dahil hindi pa tapos gawin ang kabilang building nung lilipatan namin kaya dito muna kami hangga't ginagawa pa 'yon. Buong akala pa naman namin ay malilipatan na namin 'yun kaya buong linggo kaming naglinis ng room na lilipatan sana namin, pati 'yung mga upuan mano mano naming hinakot at dinala do'n tapos ganito lang pala kalalabasan.
Pagpasok ko sa loob ay marami nang tao, hindi naman shuffle ang ginawa kaya kami kami pa rin ang magkakaklase. Wala pa namang teacher pero halos kumpleto na sila, maingay at puro nagkukuwentuhan. Panigurado namiss nila ang isa't isa dahil ang tagal naming hindi nagkita-kita.
Gumala ang paningin ko at agad na dumako sa pwesto nila Jeorga. Nagtama ang paningin namin ni Ara, matalim ang tingin niya sa'kin kaya ako rin ang agad na umiwas. Tila ba hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya.
Naghanap na ako ng pwesto ko pero halos puno na at wala nang bakante ang mga upuan na naroroon. Napayuko ako at pumunta sa may dulo. May isang upuan doon pero walang desk, upuan lang talaga kasi sira na. Doon na lang ako pumuwesto, nilapag ko muna ang bag ko bago umupo.
Nilabas ko ang pamaypay na pinahiram ni Brent dahil mainit dito lalo na sa pwesto ko. Nasa dulo kasi which is tamang tama ng araw lalo na kapag ganitong tanghali. Nasanay kasi ako na malamig kapag papasok dahil pang-umaga kami last school year unlike ngayon na pang-hapon kaya kainitan ang pasok namin.
Biglang dumaan si Ara sa harap ko at may tinapon sa basurahan. Nakakapagtaka na bakit sa harap ko pa siya dadaan kung pupuwede naman na sa likod?
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...