Kabanata XVII

16 3 0
                                    

Isang buwan akong nagstay kila Tita dahil bukod sa iyon ang gusto nila ay 'yon din naman daw ang mas makabubuti sa'kin sabi nila Mama. Hindi naman na ako pumalag dahil tingin ko ay iyon din naman ang tama.


Sa isang buwan na 'yon ay halos umiikot lang sa isang bagay ang buhay ko, ang pagbabasa. Pagkagising sa umaga ay magluluto ako ng almusal. Pagkakain ay magbabasa na ako ng mga nakatambak na stories sa library ko sa wattpad hanggang sa magtanghalian naman. Tapos gano'n na hanggang gabi, halos hindi na nga ako nakakapagmerienda sa totoo lang.



Doon lang umiikot ang buong maghapon ko, pagdating ng weekend ay lumalabas kami para mamasyal at mamili ng mga gamit ni Aliyah. May pagkaspoiled kasi 'tong pinsan ko na 'to dahil nag-iisang anak. Binibilhan din naman ako nila Tita ng mga damit pero no'ng sumunod na labas namin ay tumanggi na ako dahil hindi naman gano'n kakapal mukha ko para palaging magpabili.


Kada Linggo lang naman kami lumalabas, pagkatapos magsimba ay dumidiretso kami sa mall para kumain at mamasyal. Bukod doon ay madalas rin gamutin ni Nanay ang sugat ko sa pisngi kaya naman hindi na ito masyadong halata pero nagmarka na ito, marka na kailanma'y hindi ko malilimutan.



Sa buong bakasyon na 'yon na kada linggo lang ako nakakalabas, hindi ko maiwasang mamiss ang mga kaibigan ko. Namimiss ko na sila Jeorga, hindi ko lang sila basta namimiss, miss ko na 'yung dati naming samahan. Iyong closeness namin at ang masaya naming samahan. Hindi ko maintindihan kung bakit sila nagbago nang pakikitungo sa'kin. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin na unti-unti na silang lumalayo sa'kin. Parang no'ng brigada lang ay sinadya kong lumapit sa kanila para makipag-usap kahit na hindi ako okay that time dahil sa mga nangyari at ginawa sa'kin ni Chad, but still they ignore me.

They can really ignore my whole presence. Nag-uusap, nagkukuwentuhan at nagtatawanan sila na para bang wala ako ro'n. Para bang ang presensiya ko ay hindi nila dama, na para bang hindi nila ako nakikita o nadarama man lang.


Iniisip ko 'yung posibleng dahilan para gawin nila ito sa'kin. Ang tanging pinaghihinalaan ko lang ay ang madalas kong pagsama sa grupo nila Alice. Naging close kasi kami no'ng field trip pati no'ng inimbitahan kami ni Andeng sa birthday niya. Simula no'n ay palagi na kaming magkakasama at malamang ay napansin nila iyon.



Pero hindi naman ako tuluyang lumayo sa kanila. Sa katunayan ay gumagawa pa nga ako ng paraan para lang makalapit sa kanila. I always find a way para makipag-usap o makipag-kuwentuhan pero sila naman itong umiiwas kaya ako rin tuloy ang napapahiya sa tuwing hindi nila ako pinapansin.


Mabuti na lang ang nandiyan sila Carmen, sa tuwing iiwas sila Ara sa'kin ay nandiyan sila para damayan ako. They keep saying na "okay lang 'yan," pero deep within myself alam kong hindi okay. Hindi okay 'yon, 'yung ikaw na nga 'yung palaging nag-aadjust pero sila pa ang galit, hindi okay 'yon. Pasalamat na lang ako dahil may iba pang nagmamalasakit sa'kin at tinuturing akong kaibigan bukod sa kanila.


Parang deja vu tuloy ang nangyayari sa pagitan namin ngayon. Nangyari na 'to dati, no'ng naging close ako kay Jake. Hindi nila ako pinansin nang halos ilang buwan at sa ilang buwan na 'yon ay si Jake lang ang naging kaibigan at sandalan ko. Pero nagkaayos naman na kami kahit papaano, nangako sila na hindi na uulitin 'yon. Ngayon naman na naging close ako kila Carmen ay gano'n ulit ang pinapakita nila. Para saan pa na nangako sila kung hindi rin naman nila tutuparin?

Until When?Where stories live. Discover now