Nagising ako na nasa isang abandonadong lugar na ako. Madilim at tanging liwanag lang sa bintana ang naaninag ko. Hindi ako makalagaw dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.
Hindi ko maalala kung ano'ng nangyari bago ito. Napailing ako at pilit inalala kung nasa'n ba ako kanina at paano ako napunta dito.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na pauwi na pala ako kanina ngunit may kumuha sa'kin. The last thing I knew is may nagtakip sa'kin ng panyo. Bigla akong kinilabutan nang maalala iyon. Sino naman ang kikidnap sa'kin?
Wala akong naiisip na dahilan at kung sino ang maaaring tao sa likod nito. Masyado akong pangkaraniwang tao para kidnapin. Hindi rin kami mayaman para gamitin akong ransom sa pamilya ko.
Or baka naman namistaken identity sila? Akala nila ako 'yung hinahanap nila pero hindi pala. O baka naman kamukha ko 'yung dapat na kikidnapin nila kaya ako 'yung nakuha nila?
Iginala ko ang paningin ko ngunit madilim talaga kaya hindi ko masyadong maaninag kung ano 'yung hitsura ng paligid. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako.
Gusto kong maiyak dahil sa kalagayan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano'ng oras na, malamang ay pagabi na dahil base sa liwanag na nanggagaling sa bintana ay palubog na ang araw. Pero isa lang ang sigurado ako, hinahanap na ako nila mama.
Ayaw na ayaw kong nag-aalala si Mama kaya hangga't kaya kong umuwi nang maaga ay ginagawa ko. Isa pa ay palagi akong binibilinan ni Papa na mag-iingat at huwag magpapagabi.
Napayuko ako dahil sa magkahalong kaba at lungkot na nararamdaman ko ngayon. Lalo pa itong nadagdagan nang maramdaman kong nakatali ang magkabila kong kamay at paa, kaya pala kanina pa ako hindi makagalaw.
Gusto kong sumigaw pero parang walang boses na lumalabas sa bibig ko, animo'y napaos. Ang lalamunan ko ay para bang natuyo na parang wala nang boses na gustong kumawala.
Nakarinig ako ng yapak na nagmumula sa bandang dulo nitong abandonadong lugar. Habang papalapit siya ay unti-unti ko siyang naaaninag. Bigla siyang huminto nang makita ko ang itim niyang sapatos. Sapatos lang ang kita at ang itim niyang slacks ngunit ang kabuuan ng katawan niya maging ang mukha ay nananatiling tago.
Hindi siya nagsasalita ni gumagalaw. Ako naman ay hindi pa rin makakilos dahil bukod sa nakatali ako ay labis ang pagkagulat na nararamdaman ko. Buong akala ko ay ako lang ang tao dito. Ni hindi ko naisip na may tao pala na nagkukubli sa dilim na parte nitong abandonadong lugar na ito.
"S-Sino ka?" Sa wakas ay may boses rin na lumabas sa bibig ko.
Buong akala ko ay habang buhay na 'kong magiging pipi dahil sa kaba at takot. Kahit hindi ko siya lubusang nakikita ay alam kong lalaki siya. Base sa pagkakatayo niya.
"Bakit hindi ka magsalita?" matapang na sabi ko. Nilunok ko muna lahat ng takot na meron ako.
Mahina siyang natawa. Ngayon ay siguradong sigurado na 'ko na lalaki siya. Akala ko ay sa telenovela lang nangyayari ang mga ganito, maging sa totoong buhay rin pala. At hindi ko inaasahan na sa'kin mangyayari 'to.
YOU ARE READING
Until When?
Teen FictionFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...