Kabanata VII

28 3 0
                                    

Friday ngayon at since PE namin ay nakajogging pants kami kaya sobrang saya ko kada Friday dahil ayaw na ayaw ko kasi magsusuot ng palda. Iyong palda kasi namin ngayong senior high ay fitted at parang pang office. Mas okay sa'kin 'yung kagaya dati na hindi fitted atleast nakakagalaw ako nang maayos.



Napansin kong parang wala yata si Pau pati 'yung mga kaibigan niya. Absent kaya sila? Pero pwede rin namang late since 'di pa naman nagsisimula ang klase.


Pero natapos ang dalawang subject ay wala pa rin sila. So baka absent nga? Ewan pero bakit parang feeling ko may mali.


Recess na at sabay-sabay kaming lima na pumunta sa canteen. Bumili ako ng banana chips at lemonade pero wala akong ganang kumain. Ewan bakit parang ang sama yata ng pakiramdam ko. Parang may mali talaga or what.


"Woy okay ka lang?" tanong sa'kin ni Jeorga habang nasa table kami.


"Oo nga kanina ka pa tahimik," baling sa'kin ni Ara na katabi ko sabay sumpak ng kinakain niyang biscuit.


"Yeah, I noticed that too," sabat naman ni Chelsea.


"Parang hind maganda ang pakiramdam ko eh," pagtatapat ko.


"Hah? Ano naman 'yon?Anong pakiramdam?" usisa ni Mich.


"Hindi ba kayo nagtataka? Kahapon 'di ba kung anu-anong nasabi ko kay Pauline tapos ngayon absent siya pati mga kaibigan niya."


I noticed that the four of them stopped eating, they looked at each other. Napansin ko rin ang unti-unting pagkunot ng mga noo nila after nilang maabsorbed ang sinasabi ko.


"Eh baka naman nagcutting?" ani Jeorga.


"Ano 'yun sabay-sabay? Pinag-usapan nila?" sabat ni Ara.


Napalingon ako kay Chelsea na ngayon ay tahimik ngunit ramdam kong balisa.


"Ayos ka lang?" tanong ko.


Umiling siya. "Kahit ako kanina ko pa rin naisip 'yan eh. Hindi naman palaabsent 'yun. Bida bida 'yun kaya imposibleng umabsent siya. Hindi 'yon papayag na lumipas ang isang araw nang hindi siya nakakapagpasikat kaya imposible talaga 'yun." Napatingin kaming lahat kay Chelsea.


"Geez. Bigla tuloy akong kinilabutan!" sambit ni Mich.


Maging ako ay maraming tanong sa isip ko. I don't want to overthink, pero sana mali ang iniisip ko. 


"Ano sa tingin ninyo?" tanong ni Jeogra. Pare-pareho naman kaming umiling.



---



Lunch Time

Until When?Where stories live. Discover now