Kabanata XXXVII

17 3 0
                                    

Nasa waiting shed na ako habang hinihintay si Jake. Kanina pa akong ala sais dito at malapit nang mag 6:30 ay wala pa rin siya. Ayoko naman sumbatan siya dahil ako na nga lang 'tong nagpapasama tapos ako pa may ganang magpamadali sa kaniya gayong siya na nga 'tong nagmamagandang loob na samahan ako.


Bakit naman kasi hindi ko naalala na magpapasa nga pala kami ng requirements sa Ateneo? Paano ba naman ay okupado ang isip ko nang mga nangyari noong nakaraan. Hindi lang iyon basta issue sa section namin pati sa mga section C dahil kumalat na iyon sa buong school. Even the head teacher in our school knew about the issue.

 

Napailing ako sa naisip. Sa tuwing papasok ang bagay na iyon sa isip ko ay hindi ko na naman maiwasang mainis, madisappoint, malungkot at kung anu-ano pang pakiramdam na pwede kong maramdaman. Para akong nasa isang roller coaster kapag iniisip ko iyon dahil sa magkakahalong pakiramdam at emosyon na nararanasan at nararamdaman ko.



Nakaupo pa rin ako dito sa waiting shed habang hinihintay si Jake. Tumingin ako sa wrist watch ko, 6:35 na. Binuhay ko ang phone ko at nagsimulang ichat si Jake. Kapag lalo pa siyang nalate ay baka wala na kaming masakyan.




Alexa:
San kana? Kanina pa kong 6 dito.

Ibababa ko na sana 'yung phone ko nang magappear 'yung chat head niya.


Jake:
Otw 😉



Napasimangot ako dahil sa reply niya.  Aba't may gana pa siyang maglagay ng wink emoji hah? Ni hindi man lang magsorry dahil kanina pa 'kong 6 nandirito. Ibinalik ko na lang sa bag ko 'yung phone at naghintay kay Jake.



Iginala ko ang paningin ko sa buong paligid. Nasa shed ako ngayon ng dati kong school noong Elementary at katapat naman nito ang school ko noong Junior High School. Sa school ko noong Junior High ay doon din kami nagroom nung grade 11 at halos isang buwan din ngayong school year pero ngayon nga ay nakalipat na kami dahil gawa na 'yung building na lilipatan namin.



Limang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin si Jake. Nakaputi siyang t shirt na may band name at naka slacks na uniform. Pero 'yung uniform pang-itaas ay hindi niya suot. Ako naman ay nakaputing t-shirt na plain lang din habang nakapalda na uniform namin sa school. Sayang hindi pa siya nagsuot ng plain white para sana pareho kami.


"Kanina ka pa?" tanong niya nang makalapit sa'kin.


"Kanina pa," I answered then roll my eyes at him.


Sa totoo lang ay kanina pa ako naiinis dahil anong oras na at wala pa siya. Siya itong nagsabi na agahan dapat namin dahil mahirap makasakay tapos ay siya naman pala itong matatagalan. Pero hindi ko pa rin naman magawang magalit sa kaniya dahil nga ako nga lang itong nagpapasama kumbagay ay wala akong karapatan na sumbatan siya dahil siya na nga ang nagmagandang loob.


"Uhmm...." Napakamot siya ng ulo. "Let's go?" anyaya niya.


Nauna na akong maglakad sa kaniya habang nasa likod naman siya kasunod ko. Tahimik lang ako at gano'n din naman siya. Ni hindi ko marinig kahit paghinga niya. Sabagay ay ingay lang ng sasakyan ang maririnig dito kapag umaga.

Until When?Where stories live. Discover now