"Are you ready?" ani Chad habang pinapasadahan ng tingin ang kasuotan ko. "So casual huh?" puna niya sa'kin.
Napangiti ako nang pasadahan niya ako ng tingin. Chambray button-up ang suot ko sa pang-itaas at faded denim skirt sa pang-ibaba habang heeled boots ang suot ko sa paa at may ternong satchel bags. Ni minsan ay hindi ako pumoporma ng ganito, madalas ay jeans at crop top lang ang pormahan ko. Simple pero madating, hindi naman kasi ako gano'n kaporma noon, ang mga damit ko ay halos pare-pareho lang ang style, iba-iba lang ng design. Ngayon lang naman ako pumoporma ng kaswal na kaswal dahil maraming pinapadala sila dad na damit sa'kin at sa tuwing hindi ko sinusuot iyon ay palagi nilang tinatanong kung bakit. Kaya naman natutunan ko nang pumorma ng sosyalan na dating.
"I am?" natatawa kong sabi.
"Let's go?" yaya niya at isinenyas ang braso niya. At first, I'm hesitant pero nang mapagtantong gano'n nga pala ang mga mayayaman ay kusa ko na ring iniangkla ang kamay ko sa braso niya. "Be careful," paalala niya habang naglalakad kami.
Inalalayan niya ako na makasakay sa kotse niya. Ang gara din ng sports car ni Chad, gwapong gwapo mana sa may ari. Inaya niya ako ngayon na lumabas para magdinner. Inaya din namin sila mom ang kaso ay walang oras ang mga ito kaya kaming dalawa na lang. Nagpaalam naman na ako kila mama at pumayag naman sila tutal ay wala naman kaming pasok bukas dahil Biyernes ngayon.
Nakaputing polo si Chad at light brown na slacks. Nakatuck-in doon 'yung puting polo na pang-itaas niya at formal shoes sa paa dahilan para mas lalo siyang magmukhang pormal. Dinner lang naman ang pinunta namin pero parang aattend siya ng meeting dahil sa suot niya.
"Sakto lang naman suot ko ah? Ikaw nga 'tong parang aattend ng meeting. Masyado kang formal," nakanguso kong sabi.
Binuhay niya ang makina. "We're having a dinner, Alexa."
I frowned. "Then? It's just a dinner."
"Tsss," singhal niya. "It's just a dinner but it's special to me."
Natigilan naman ako sa sinabi niya at napatingin sa kaniya ngunit wala nang lumabas na anumang salita sa bibig ko. Napansin ko ang buhok ni Chad na nakataas ngunit magulo, hindi iyon basta magulo dahil parang sinadya itong guluhin. Presko ang hitsura niya at halatang bagong ligo. Noong una ko pa lang siyang makita ay napansin ko na agad ang kaguwapuhan niya. Hindi ko siya masyadong nakilala noong may binugbog sila na kaschoolmate ko pero noong kinulong nila ako sa abandonadong lugar ni Damien ay doon ko siya nasilayan nang kabuuan.
Totoong gwapo si Chad, kung itatabi mo kay Jake ay hindi hamak na mas heartthrob itong tingnan. Pareho naman silang gwapo sa totoo lang. Pero iyong gwapo ni Jake ay iyong masasabi mo lang na 'gwapo' kung titingnan mo nang matagalan. Hindi siya iyong kapag nakita mo sa unang tingin ay magagwapuhan ka agad. Matured din tingnan si Jake, may hawig siya sa mga Hollywood actors na matured na tingnan. While Chad have this Korean aura, may hawig siya kay Yook Sungjae. Lalo na kapag magulo ang buhok niya, ang gwapo gwapo niyang tingnan. Panigurado isa siya sa mga nagpapakilig sa mga babae sa school nila. Speaking of school, hindi ko pa natatanong sa kaniya 'yung tungkol sa schoolmate ko na binugbog nila nung kasama niya.
"Chad," tawag ko sa kaniya.
"Mmm?" tugon niya.
"Naalala ko lang, bakit ninyo pala binugbog nung kasama mo 'yung kaschoolmate ko. Naalala mo pa ba 'yun? Matagal na 'yun eh last year pa ata," tanong ko habang iniisip kung kailan nga ba nangyari 'yung sinasabi ko.
"May atraso sila sa'min." Ang paningin niya ay nasa dinadaanan pa din.
"Ano?" usisa ko.
YOU ARE READING
Until When?
Подростковая литератураFrom high school classmates to unexpected friendships, Alexa and Jake will experience the ups and downs of their platonic relationship and how will they overcome it. Their experiences from their unexpected friendship will lead them to an unexpected...