[A.N: 2nd cover ^]
All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except when permitted by law.
This is a work of fiction. All the names, characters, organizations, and events portrayed in this story are products of the author's imagination. Any resemblance to any organization, event, or actual person, living or dead, is unintentional.
___
Sumasabay sa ihip ng hangin ang buhok niya, habang ang iba namang hibla ng buhok niya ay nakadikit na sa pawisan niyang noo. Bawat galaw ng katawan niya ay kasabay rin ng mabilis na tibok ng puso ko.
Palagi ko siyang nakikitang nagpapractice sumayaw sa gilid na parte ng oval ng school pagkatapos ng klase. Sa lahat ng pwedeng magustuhan ko, siya pang hindi ko maaabot. Akala ko normal lang ito noong bata pa ako pero simula nang magkagusto ako sa kanya 5 years ago, doon ko na-realize na I'm gay.
Parents ko lang at ang 2 kong close friends ang nakakaalam na homosexual ako. Hindi ko na ginusto pang iexpress ito dahil palagi akong tinutukso simula noong bata pa ako kasi malambot ako, nagkakacrush ako sa lalaki, sa madaling salita, dahil iba ako sa kanila. Ilang beses din akong nabully simula noong nagustuhan ko siya noong Grade 8 ako. Ginuhit ko siya sa notebook nang unang beses ko siyang makitang magsuot ng salamin at ginuhit ko rin ang sarili ko na hinahalikan siya.
Nakita iyon ng mga kaklase kong lalaki at doon na nagsimula ang malulungkot na alaala ko sa Junior High school. Simula last year ko lang siya naging kaklase kaya nagsimula akong umasa na makilala man lang niya ako at maging magkaibigan. HUMSS 12-B ang section namin ngayon, pero hindi ko alam kung aasa pa ba ako o hindi simula nang malaman kong crush niya ang kaklase naming si Paulyn at ngayong Grade 12 na kami ay nililigawan na niya si Pau. Jusme wala na ata akong pag-asa, straight siya. At higit sa lahat, hindi ko alam kung love na ba o crush lang ang nararamdaman kong ito kay Axel Lars.
~~~
Choi Soobin as Abednego G. Montanilla🐰
Choi Yeonjun as Axel Lars B. Remoto🦊
A.N: Tatapusin ko itong fanfic bago magpasukan hehe. Sorry agad sa lahat ng errors na makikita niyo.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...