[TAEGYU]: Close to you

48 3 2
                                    

[SPECIAL CHAPTER 2]

-Ito ay flashbacks mula sa mga previous chapters. 

(time: 2020)

----------------


THIRD PERSON POV

Simula nang malaman ni Aiden ang tungkol kay Cedric at Abed, nag-aabang siya sa magiging desisyon ni Cedric upang tulungan siya sa masamang balak kay Abednego. Subalit hindi niya maiwasang manibago dahil iniiwasan siya ng kanyang matalik na kaibigan. Sa tuwing nakikita niya si Cedric, napapansin niyang wala ito sa sarili, malayo sa nakasanayan niyang Cedric na nakangiti kahit naglalakad.


Inoobserbahan niya rin ito sa tuwing kumakain nang mag-isa. Tila walang ganang kumain si Cedric kaya minsan ay sinusundan niya ito. Hindi niya maiwasang maguluhan sa kinikilos nito dahil nasanay siya sa mabilis na pagpayag ni Cedric. Muli niya itong sinundan noong malaman niyang wala nang klase sa hapon. Hindi niya maitago ang kanyang pag-alala nang makita ang galit na itsura ni Cedric, habang naglalakad ito papunta sa isang palikuran.


Narinig niya sa labas ng banyo ang lahat ng sagutan nila Abednego at Cedric.


"Ako na naman ba ang may mali Cedric?"nakilala niyang boses ito ni Abed.


"Hindi, hindi, hindi!"nabigla siya sa sigaw na ito ni Cedric. Nagtago siya nang makita niyang dali-daling lumabas si Cedric na lumuluha na.


Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa malaking puno sa gilid ng oval. Nagtago siya sa likod ng puno, habang si Cedric naman ay umupo at nagsimulang humikbi. Lumakas ang pag-iyak nito sa inaakalang walang ibang nakakarinig sa kanya.


Lalong binagabag ng konsensya si Aiden, dahil alam niyang responsable din siya sa lahat ng nangyayari ni Cedric. Sumagi sa isip niya na nahihirapan na nga si Cedric na tanggapin na siya ang bunga ng pangangaliwa ng tatay niya, tapos dadagdagan pa niya ang problema ng kaibigan.


May parte sa kanya na nagsisisi dahil gusto niyang gamitin si Cedric laban kay Abednego. Naisip niyang mas lalo lang niyang pinahirapan ang kanyang tunay na kaibigan dahil sa pagiging selfish at pagiging immature. Hindi niya maiwasang mataranta sa isip-isip niya dahil hindi niya alam kung paano papatahanin si Cedric.


He took a risk nang makita niyang nakasubsob ang mukha ni Cedric sa tuhod. Tumabi siya sa kanya at hinaplos ang likod niya sa pag-asang mapapatahan niya ito.


'Sana hindi niya ako makita, dahil paniguradong bibigat ang loob niya'sabi ni Aiden sa isip.


"Napapagod na ako,"nabigla siya sa pagsasalita ni Cedric, pero hindi ito tumingin sa kanya.


"Pwede kang magpahinga, pero wag kang susuko,"mahinahong tugon ni Aiden.


Nagulat si Aiden sa ginawang pagsandal ni Cedric sa balikat niya. Napatingin siya sa namumulang mata ni Cedric at mukha na itong inaantok.


Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon