Tulad ng inaasahan ko, naging mabilis nga ang first day namin. Nangolekta lang ng 1/8 index card na may isang 1 x 1 id picture na nakadikit ang mga nasa afternoon classes namin. Makakagraduate naman siguro ako diba? Nakasurvive nga ako sa nakaraang taon.
"May pupuntahan ka pa ba?"tanong sa akin ni Kai habang naglalakad palabas ng classroom.
Lumingon ako nang kaunti kay Axel, na narinig kong nagsabi na ihahatid si Paulyn sa sakayan.
"Oo, meron pa,"
"Mauuna na ako ah, pinapauwi na kasi ako ni mama eh,"tinapik niya ang balikat ko.
"Sige Kai, mag-iingat ka ha,"sabi ko sa kanya at tinignan ko siya hanggang sa makalabas na siya ng gate.
Saktong pagkalabas ni Kai, ay ang muling pagpasok ni Axel na nag-iisa na lang. Baliw na kung tignan, pero napagdesisyonan kong sundan nang palihim si Axel. Ilang taon ko na itong ginagawa nang hindi nahuhuli kaya confident ako hahah.
Dumiretso siya sa likod ng MAPEH building, at tumigil siya sa malapit sa isang puno ng mangga. Inilapag niya ang bag niya at nilabas ang bluetooth speaker niya, kasama ang cellphone niya. Matapos niyang ibaba ang mga ito ay nagunat-unat siya bago simulan ang nakagawian niyang gawin.
Ako namang si dakilang stalker ay nagdesisyon na akyatin ang puno ng mangga para sa mas magandang view habang pinapanood ko siya. Sa lahat ba naman kasi ng pupwestuhan bakit dito pa, sana sa oval na lang ulit o kahit saang damuhan. Hindi niya ako mahuhuli kung hindi ako aakyat dito. Mahaba naman ang legs ko kaya kayang-kaya kong umakyat.
Nang makapwesto na ako sa matibay na sanga ay sumandal na ako dito, kulang na lang popcorn at holy water haha. Kinilig na naman ako nang mapanood ko ang bawat galaw ng katawan niya. Nangibabaw naman sa tahimik na lugar na ito ang tugtog ng kanyang speaker.
Nae yeong-won-i dwaejwo nae ileum bulleojwo Run away, run away, run away with me Sesang-ui kkeut-eseo forever together Run away babe naege daedab haejwo
Napakanta na lang ako sa pamilyar na kanta na sinasayaw ni Axel. Siguradong kikiligin na naman ako nito bago matulog. Sige sayaw pa, buti na lang at walang ibang tao dito, solong-solo ko siya ngayon hahah. Dinaig ko pa ata yung number one fangirl niya at yung nililigawan niya sa dami ng beses na palihim ko siyang sinundan at pinanood na sumayaw.
Nang matapos ang kanta, nagshuffle naman siya ng sunod na kanta. Pinatugtog naman niya ang kantang Angel or Devil at lalong kinilig dahil alam ko rin ang kanta. Never ko namang naisipang videohan siya kasi madamot ako, gusto ko ma-enjoy yung ginagawa niya. Pero kung magvivideo ako at ibebenta ko to, siguradong kikita ako. Pero joke lang, hindi ako masamang tao baka maaya magalit siya sa akin masapak pa niya ako sa galit.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfic"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...