"Tulungan mo akong isakay siya sa likod ko, dadalhin na natin siya sa clinic. Kaya mo ba?" mahinahon kong wika habang iniluhod ang isa kong tuhod para pumosisyon.
Tumango siya at hindi ko mapigilang mamangha dahil sa kabila ng muntik na pag-rape sa kanya ay tuwid pa rin siyang mag-isip. Halatang nag-aalala rin siya kay Axel. Tumayo na siya habang hawak sa magkabilang-balikat si Axel para alalayan siyang makasakay sa likod ko. Halos tumakbo na ako at binuksan naman ni Paulyn ang pintuan ng clinic para makapasok kaagad ako. Mabuti na lang at nandoon ang nurse at inihiga ko na sa hospital bed si Axel na ang init-init hawakan.
Chineck kaagad siya ng nurse na may hawak na thermometer at pinaupo na kami ni Paulyn sa sofa sa gilid ng kama. Kinuha ko sa bag ko ang jacket ko at pinasuot ito kay Paulyn. Nang makakita ako ng pitsel sa isang lamesa ay nagsalin ako sa baso at pinainom si Pau. Gentleman ako noh, feel at home lang ang peg dahil hindi na ako nakapagpaalam sa nurse.
"Tumaas ang lagnat niya at kapag nagpatuloy ito hanggang bukas, kailangan na siyang madala sa ospital. Pagka-gising niya, kailangan niyang magpahinga pagkauwi at uminom ng maraming tubig para hindi siya ma-dehydrate. Hindi rin dapat siya ma-stress para bumilis ang paggaling niya,"naglabas ang nurse ng sampung tabletas na pang-lagnat at inilapag ito sa gilid ng lamesa na kinalalagyan ng pitsel.
"Ikaw iha, ayos ka lang ba?"napansin ng nurse si Paulyn na namumula ang mukha kakaiyak.
"Opo, wag niyo na po akong problemahin,"magalang na sagot ni Paulyn habang nagpupunas ng mukha gamit ang tissue.
"May pupuntahan lang ako, dito lang kayo,"bilin ng nurse at lumabas.
"Gusto mo bang samahan kitang magsumbong sa guidance office para hindi ka na balikan ng mga y--"
"Wag na please! Ayoko ng gulo at panigurado akong hindi na ako babalikan ng mga yun!"nabigla ako sa pagtaas ng tono ng pananalita niya.
"Sorry kung nasigawan kita, sorry!"nataranta ako nang muli siyang umiyak.
"Wag ka nang mag-alala, wala kang kasalanan,"inalo ko siya kaagad, naku naman baka kapag nagising itong manliligaw mo eh jombagin pa ako kasi pinaiyak ko siya.
Maya-maya ay nagring ang cellphone ni Paulyn at lumabas siya saglit para sagutin ito. Halata ang gulat sa mata niya at dali-dali siyang pumasok dito.
"Uhm Abed, pwede bang ikaw na ang magbantay kay Axel? Pakisabi na rin na sorry kasi kailangan ko nang umalis,"maluha-luha niyang wika.
"May emergency na nangyari sa bahay,"dugtong pa niya at hindi na napigilang umiyak ulit.
"Magiging okay ka lang ba? Kung gusto mo ipahatid na kita k---"
"Salamat sa concern, magpapahatid ako sa kaibigan ko. Ibabalik ko na lang yung jacket mo sa Lunes salamat ha,"ningitian niya ako.
"Mag-iingat ka,"hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko para maiparamdam sa kanya ang comfort nang dahil muntik na siyang mabikhima ng panggagahasa.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...