[29th CHAPTER]: Personal matters

52 3 3
                                    

Naging tahimik lang kami sa biyahe, hanggang sa makarating kami sa subdivision nila.


"Salamat sa pagsama sa akin, babe,"pang-aasar pa niya.


"Ikaw ha, pasalamat ka at maganda ako kahit na nakabihis-babae,"naalala ko na naman yung paghalik ko sa pisngi niya.


"Ingat ka sa pag-uwi,"nahuli ko pa siyang napahawak sa pisngi niya, bago siya bumalik sa pagmamaneho.


Isang jeep lang naman ang sinakyan ko pauwi sa amin at malapit lang. Nakarating kaagad ako sa bahay at pumasok. Nakita ko naman ang sapatos ni Kuya na nakalagay sa shoe rack. Nandito na siya, halatang excited umuwi para sa day off niya bukas. Kakatapos lang kumain ng hapunan nila mama at ang plato na lang ang nasa mesa, kasama ng tirang kanin at ulam.


"Kakausapin ka daw ng kapatid mo,"sabi ni mama.


Sobra ba akong namiss ni kuya, kaya kailangan pa naming mag-usap? Napangiti na lang ako nang pumasok ako sa kwarto ko nang bumungad si kuya na nakaupo sa kama ko. Nagbihis na ako diretso nang mapansin kong napakaseryoso ng mukha niya. Bad mood ba siya?


"Dumaan ako sa sementeryo bago umuwi at nakita kong basag-basag na ang lapida doon ni papa,"sinubukan kong itago ang gulat ko sa sinabi niya. Ako kaya kaagad ang paghihinalaang gumawa nun?


"Ikaw lang naman ang madalas na pumupunta doon, pero may isa pa. Ngayon, ipaliwanag mo sa akin kung bakit may ganito ka,"pinakita niya sa akin ang ointment na binigay sa akin ni Axel noong 2 days ago.


"Wag mo subukang gumawa ng ibang kwento, dahil tatawagan ko si Kai o di kaya si Axel kapag hindi ka nagsabi ng totoo,"dagdag pa niya at hindi ko maitago ang kaba sa sobrang seryoso niya.


Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya, pero one seat apart sa kanya dahil nakakatakot talaga siya magalit. Bigla niya akong hinablot at inispeksyon ang katawan ko kung may sugat ba o pasa. Mabuti na lang at wala na ang marka sa leeg ko, sana pala tinago ko nang maayos ang ointment na yun.


"Wala man akong makitang ebidensya ng galos sa katawan mo, pero kailangan mong sabihin sa akin kung saan mo ipinahid to,"sabi pa niya habang nakatingin nang diretso sa mata ko.


Mukhang wala na akong kawala this time, ayoko namang madamay pa ang dalawa kong kaibigan sa issue na dapat sa pamilya lang namin.


"Kung ikaw man ang gumawa nun sa lapida, alam kong galit lang ang mag-uudyok sayo para gawin iyon. Ano bang nadiskubre mo na hindi mo sinasabi sa amin Abednego?"onti na lang magiging si incredible hulk na talaga siya.


"Yung sa lapida,"nag-ipon ako ng lakas ng loob nang bigla kong maalala ang araw na iyon.


"Yung lalaki sa picture, schoolmate ko siya at sinundan ko siya hanggang sa bahay nila. Nakita ko doon si papa, na buhay na buhay kaya nagalit ako at tumakbo ako nun papunta sa sementeryo. Doon ko na nabasag yung lapida sa sobrang galit at sama ng loob ko,"kinagat ko ang labi ko para pigilang maiyak.


Nakita ko ang mahigpit na pagyukom ng kamao niya, naalala ko noon na silang madalas ni papa ang nagtatalo noon lalo na kapag tungkol sa akin. Inobserbahan muna niya ako bago siya nagsalitang muli.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon