Tinulak niya ako nang mahina at nag-igting ang panga niya. Pinagtatadyakan niya si papa na parang nilalabas niya ang galit sa buong mundo, kaya niyakap ko siya at hinatak palayo.
"Mapapahamak ka lang sa ginagawa mo, tama na!"nagpupumiglas siya at halos matumba na ako sa takot. Napaupo na lang ako sa sahig nang makitang parang titigil na siya.
"Bakit kailangan pang mabuhay ng mga ganito kawalang kwentang tatay sa mundo? Ang lakas ng loob mong saktan ang sarili mong anak at pagbantaan!"bwelta ni Axel, sobrang gulo ng uniform niya.
"Sino ka naman para makialam ha?! Mali ka ng taong binabangga hayop ka!"ang lakas pa ng loob niyang sumagot kahit na bugbog-sarado na siya.
"Sa tingin mo uurungan kitang gago ka? God knows kung gaano ako nagtimpi nang sundan ko itong anak mo at ang hintayin siyang ipaglaban ang sarili niya. Pero ikaw, binalak mo pa talaga siyang patayin! Sa oras na galawin mo pa at saktan si Abed o ang pamilya niya, ipapademanda kita, gagamitin ko ang lahat ng meron ako para mabulok ka sa kulungan!"sinamaan niya ng tingin si papa na kulang na lang ay masunog sa sobrang sama ng tingin niya.
"Siguro naman hindi mo sasabihin sa kabit mo at kay Cedric ang tungkol sa amin, dahil panigurado akong madadamay ka rin dahil wala silang alam na nadiskubre na kayo ng legitimate son mo. Nakakadiri ka, siguro kahit ang impiyerno iluluwa ka sa sobrang sahol ng ugali mo,"kung ganun, alam na niyang si Cedric ang half-brother ko. Balak ko pa namang ilihim iyon sa kanya para hindi na magkagulo.
Hindi na nagsalita pa si papa, at si Axel naman ay naghugas ng kamay sa lumang lababo na nandoon sa gilid. Sanay ba siyang makipagbugbugan nang ganito?
Bigla akong itinayo ni Axel, at naglakad na kami palabas. Naka-park pala doon sa harap ang kotse niyang itim at pumasok na kami. Naalala ko nga pala yung nangyari sa kanila ni Paulyn kanina at lalong bumigat ang pakiramdam ko.
"Bakit mo pa ako sinundan? Paano na si Paulyn? Bakit mo pa kasi ako pinakialaman!"sigaw ko sa kanya habang hindi pa siya nagmamaneho.
"Wag mo nang problemahin si Paulyn, binigyan ko siya ng oras para palamigin ang ulo niya pero susuyuin ko rin naman siya bukas,"casual pa niyang sabi na parang hindi siya nambugbog kanina.
"Pero bakit? Bakit nag-cutting ka rin? Alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit kayo nag-away, wag mo na kasi akong bantayan pa at intindihin! Hindi ko kailangan nito! Ayoko nang ganito!"sinusubukan kong magalit sa kanya, sa pag-asang mailalabas ko rin siya sa mga posibleng gulong mapapasok niya kapag kasama ako.
"Nahihibang ka na ba? Hindi nga akong nagsisi sa ginawa kong pagsunod sayo dahil muntik ka na niyang mapatay! Wala ka namang kasalanan kung bakit kami nag-away,"halata ang inis sa tono ng boses niya, humigpit ang hawak niya sa manibela.
"Mali ba maging isang mabuting kaibigan sayo? Mali ba yung ginawa kong ipaglaban ka? Ayaw mo ba maging kaibigan ang katulad ko?"padabog niyang pinasada ang kamay niya sa buhok niya at nakatingin siya sa akin na parang nasasaktan siya.
"Hindi sa ganun, alam mo bang matagal na kitang gusto maging kaibigan. Pero simula nang dumating ako sa buhay mo, lagi mo na lang ako pinoprotektahan, nasasangkot ka palagi sa gulo at iyon ang pinaka-ayaw mong mangyari sayo dahil gusto kong maging masaya ka! Ayokong maging burden at bad influence sayo!"pag-amin ko sa kanya at nakapa ko na lang ang mukha ko na puro na pala luha.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...