[38th CHAPTER]: Brothers

54 5 3
                                    

"Ano bang problema niyo? Hindi ko naman kayo pinapakialaman ha! Bakit niyo ba ito ginaga--"muli niyang inilublob ang mukha ko sa tubig. Nalunok ko pa yung tubig na pumasok sa bibig ko at nahihirapan akong huminga.


Rinig na rinig ko ang lakas ng tawanan nila na parang mga tambay sa kanto na nag-iinuman dahil sa mapang-asar na tawanan. Hindi ko maiwasang kabahan nang iangat ulit ni Aiden ang mukha ko at hindi ko alam kung kailan siya.


"Ano ka ba, lalaki o bakla?"sigaw ni Aiden sa akin at nagtawanan naman ang dalawang tukmol.


"Akala niyo ba wala akong alam? Idadamay ko na kayong dalawa kapag may sinaktan kayo sa mga taong pinapahalagahan ko. Palibhasa may attitude problem at inggitero kayo kalalaki niyong tao!"singhal ko pa sa dalawa.


"Hindi ka lang pala bakla, may pagka-tsismoso ka pala!"sagot pa ni Aiden.


"Ano bang problema niyo sa akin? Mas lalaki pa ang mga bakla kaysa sa inyo!"muling inilublob ni Aiden ang mukha ko, at hindi ko masyadong kaya na magpigil sa paghinga sa tubig.


Hindi ko talaga maintindihan ang mga rason nila, bakit kailangan ko pang malagay sa ganitong sitwasyon? Namumuo na naman ang galit sa loob ko kapag naiisip ko lahat ng narinig ko sa kanila noon, lalo na kay Aiden. Nang iangat ni Aiden ang mukha ko, ay ginamit ko ang lakas ko para pumalag.


Pero nagulat ako nang may tumabig nang malakas sa kamay ni Aiden, at nakita ko na lang na napatumba ang dalawang tukmol sa gilid ko. Naramdaman ko ang patanggal ng tali sa kamay ko at hinatak niya ako palayo sa tatlong tukmol.


"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Cedric?"gulat akong napalingon sa taong humatak sa akin na siya nga.


"May sagot na ako sa inaalok mo sa akin Aiden, hindi ako papayag,"napatingin ako sa seryosong mukha ni Cedric.


"Anong nangyari sayo? Ngayon ka lang humindi sa mga gusto ko,"halata ang pagkadismaya sa mukha ni Aiden.


"Pinaniniwalaan ko noong tama ka dahil ang akala ko magiging maganda ang samahan natin kung hindi kita tututulan. Pero hindi ako masaya Aiden, kasi mali itong ginagawa natin. Hindi ko namamalayang nawawala na pala ako sa sarili para lang ma-please kita. Walang ginagawang masama sayo ang lahat ng binibiktima mo Aiden, naintindihan kong hindi maganda ang pinagdadaanan mo pero wag kang magpadala sa maling gawain,"seryosong wika ni Cedric.


"Dapat matakot ka sa akin nang dahil sa mga ginagawa mo ngayon! Inimpluwensiyahan ka ba ng baklang yan ha? Tinatraydor mo ba ako?"halata ang galit at sakit sa mga mata ni Aiden.


"Hindi kita tinatraydor, gusto kitang gabayan para makabalik ka sa dating ikaw, mas lalo kang masasaktan at mahihirapan kung ipagpapatuloy mo yang paggawa ng masama at pananakot sa ibang tao! Kung tunay na kaibigan ang turing mo sa akin Aiden, maiintindihan mo ang desisyon ko at ang panig ko. Gusto kitang tulungan, pero kapag sinaktan mo pa ulit ang kuya ko, hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pag-unawa ko sayo Aiden!"nagulat ako nang tawagin niya akong kuya. Senyales na ba itong tinatanggap na niya ako?


"Kalokohan! Sa lahat pa ng tao, ikaw pa ang sumira sa pagkakaibigan natin!"pansin ko ang pamumula ng mga mata ni Aiden, sa halong galit at lungkot.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon