[20th CHAPTER]: Answer

71 7 2
                                    

"Anong sabi mo? Baby? Sa gwapo kong ito hindi talaga kita masisisi kung tawagin mo akong baby mo,"sinubukan kong palabasin na wala akong maalala.


"Ano kaya kung halikan ko yang nguso mo huh?"inatras ko ang mukha ko nang unti-unti niyang ilapit ang mukha niya.


Lumapit siya hanggang sa makita ko ang mata, ilong, at labi niya na pinagpapantasyahan ko. Ang seductive ng mga tingin niya sa akin at napapigil tuloy ako sa paghinga. Ito na ba ang itsura ng langit? Ayoko pang mapunta sa langit! Napaawang pa ang bibig ko nang makita kong napakagat pa siya sa labi niya na parang nilalandi ako.


"Ang ganda talaga ng mga labi mo, baby ko,"nilaliman niya ang boses niya at napalunok na lang ako.


"Ano ka ba!"bago pa ako mawalan sa katinuan, tinulak ko palayo sa akin ang pagmumukha niya.


Doon lang ako nakahinga ulit na parang daig ko pa yung tumakbo sa oval. Kalmahan mo lang ano ka ba Axel, baka ma-issue pa tayo lalo na at makahalata ang lahat na bakla ako!


"Oo na, naalala ko na ang lahat doggie hmmpp!"diretso kong sagot sa kanya, pero bigla niya akong sinundot sa tagiliran.


"Ayoko nang tawagin mo ulit ako sa nakakadiring palayaw,"ngumiti siya, wala talagang kupas yung ganda ng mga ngiti niya.


Napatingin ako sa leeg niya at suot niya yung regalo ko sa kanya. Akala ko itatapon niya lang yun sa yaman niya eh mukhang cheap yung binigay ko.


"Bagay sakin yung iniregalo mo, napakagaling mong pumili,"hinawakan pa niya yung pendant ng kwintas.


"Siyempre, ako pa ba hindi ako baduy noh,"proud ko pang sagot.


"Ok ka na ba?"tanong pa niya.


"Oo, onti na lang yung sakit ng ulo ko kasi may pinainom sa akin si kuya kanina,"sakto namang dumating si Ningning at umupo sa tabi ko.


"Sa sunod, hindi na kita hahayaang malasing,"bungad pa ni Kai sa akin.


"Payag ako diyan, mahirap na at baka ipangalan pa tayo sa mga alaga niyang hayop,"sabi ni Axel at umalis na.


"Nasermonan ka ng kuya mo noh?"tanong ni Kai nang kami na lang dalawa ang nakakarinig.


"Oo, naghihinala na siya kung may nang-aaway ba sa akin pero never kong binanggit ang tungkol kay Aiden"bulong ko sa kanya.


"Tutulungan ka namin, dahil sa oras na may mangyari sayo panigurado malalaman niya ang lahat at malaking gulo ito. Sigurado akong gugulpihin pa niya si Aiden at ayaw na nating mangyari yun dahil magkakagulo lang lalo,"totoo talaga lahat ng sinabi ni Kai.


"Salamat ha, nga pala naalala kong si Cedric ang lalaking kamukha ng nasa picture na kasama ni papa,"bigla kong naalala ang nakangising mukha ni Cedric.


"Ang pagkakaalam ko, namumuhay si Cedric kasama ang papa at mama niya,"maraming alam si Kai pagdating sa ibang bagay minsan napapaisip tuloy ako kung social butterfly ba siya o tsismoso.


Kasama ang papa niya? Kailangan kong makita ang papa niya para masabi ko kung siya ba ang posible kong half brother o hindi.


"Titiyempuhan ko siyang sundan kapag may free time ako,"sabi ko sa kanya, bago nagsimula ang klase.


~~~


Sabado na ngayon at hindi ko maiwasang malungkot nang makita lahat ng inimpakeng gamit ni kuya. Ihahatid ko siya sa bayan, kung saan siya makakasakay sa bus. Uuwi naman siya once a week, pero siyempre ngayon lang siya mahihiwalay nang ganito sa amin ni mama kaya nagpipigil ng luha si mama na hindi ko na pinasama pa sa terminal. Nagpaalam rin ako kay mama na gagawa kami ng case study kina Kai kaya gagabihin ako sa pag-uwi.


Niyakap niya sa huling pagkakataon si kuya, at sabay kaming lumabas ni kuya habang bitbit ang gamit niya. Isang jeep lang ang sasakyan namin para makarating sa bayan at mga 30 minutes ang tagal ng biyahe. Tahimik lang kami buong biyahe at iyon na ata ang pinakamabilis na 30 minutes sa buong buhay ko.


Naglakad na kami at naghintay na may dumaang bus na dapat niyang sakyan.


"Tandaan mo lahat ng binilin ko sayo, ikaw lang ang maaasahan ni mama sa ganitong panahon habang nasa malayo ako,"pagbasag niya sa katahimikan, tinanguan ko lang siya.


"Mag-iingat ka palagi, wag kang pumayag na may mang-api sayo sa school niyo. Alam kong kakayanin mo,"tumingin siya sa akin sa pagkakataong iyon.


"Ikaw din kuya wag kang magpabaya doon, lalo na at hindi ka taga-doon kaya doble-ingat ka,"sa wakas at nakapagsalita na rin ako.


Nang matanaw naming may paparating na ang bus na dapat niyang sakyan, nagyakapan kami at nagtapikan sa likod. Tinulungan siya ng konduktor sa mga gamit niya at tinignan ko siya hanggang sa umandar na ang bus na sinasakyan niya at makalayo na ito nang tuluyan. Malungkot akong naglakad pabalik sa sakayan ng jeep. Nasanay akong si kuya ang laging kinukulit kapag wala akong makausap. Ilang minuto pa lang siyang wala pero namimiss ko na siya.


Napatingin ako sa 7/11 sa gilid ng kalsada nang makita ko ang isang pamilyar na mukha. Nag-iisa lang siya at may bitbit siyang paper bag. Napansin ko na lang na sinusundan ko si Cedric, habang naglalakad papasok sa isang village. Halos mga tatlong metro ang layo ko sa kanya para hindi niya ako mapansin. Mga 20 minutes din ang paglalakad at nagtago ako sa isang puno nang tumigil siya sa harap ng orange at red na bahay.


Binuksan niya ang gate, at mga grills lang ang nakapalibot sa bakod nila kaya kitang-kita ko ang hardin at ang pintuan ng bahay niya.


"Mabuti at dumating ka na anak,"isa itong pamilyar na boses na ngayon ko lang narinig.


"Tara, kain na tayo papa,"sagot ni Cedric sa tatay niya.


Nakita ko ang mukha ng lalaki, at nagulat ako nang makita na siya ang papa ko. Ang papa kong matagal nang patay. May bigote na siya, pero hindi pa rin nagbabago ang mukha niya. Napatulala lang ako nang pumasok na ang mag-ama sa loob ng bahay. Nananaginip lang ba ako? Malambing ang boses niya na halatang mahal niya ang anak niya at masaya siyang kasama ang anak niya. Mas masaya ba siya kasama ang ibang pamilya? Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi, baka guni-guni ko lang iyon.

.

.

.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon