"Abed, kakain na ng almusal,"nagising ako nang hatakin ng magaling kong kuya ang kumot na nakabalot sa akin.
"Oo na, susunod na ako maliligo lang ako,"napaupo na lang ako sa kama at hinagis niya sa akin ang kumot.
Umalis na siya at tinupi ko na ang kumot tsaka inayos ang kama bago maligo. Nang pumunta na ako sa hapagkainan, nagtaka ako nang makita kong nakasuot ng pang-alis si mama at kuya.
"Abed, may pupuntahan lang kami ng kapatid mo. Pwede bang linisan mo ang storage room ng papa mo?"sabi ni mama na alam kong utos niya.
"Oo ma, penge ako pasalubong ha,"pagbibiro ko.
"Dadaan kami sa mall para bumili ng iuuwing pagkain kaya may pasalubong kami,"sabi pa ni kuya.
Napangiti ako nang todo habang nagsasawsaw ng tinapay sa kape. Nag-iwan na rin si mama ng niluto niyang ulam para ulam hanggang gabi. Naglinis muna ako ng buong bahay at nang makaramdam ako ng gutom dahil 11:30 am na, nananghalian ako bago linisan ang storage room, kung saan nakalagay ang lahat ng gamit ni papa noon.
Hinugasan ko ang mga pinagkainan ko at nagdala na ng mga kakailanganin ko sa paglinis ng storage room. Hindi ko maiwasang maalala lahat ng memories ko kasama ang papa ko. Ano kaya ang buhay namin kung hindi pa patay si papa ngayon? Isa-isa ko ring nilinisan ang mga drawer na naglalaman ng iba't-ibang papeles.
Gumana na naman ang pagiging pakialamero ko kaya binasa ko lahat ng papel na nasa drawer, hanggang sa makarating ako sa huling drawer na lilinisan ko. Dinampot ko ang kapansin-pansin na envelope na kulay blue. Hindi ito pangkaraniwang envelope na parang importanteng dokumento ang tinatago dito. Nakapatong ito sa isang picture frame na may larawan kung saan may kasama si papa na hindi ko kilala. Graduation picture ito ng isang batang lalaki na Grade 6 at nakakalagay sa ibaba ang petsang March 28, 2014. Kung tatantiyahin ko ang edad ng batang lalaki, halos kaedaran ko lang ito. Medyo maliit at may kapayatan ang lalaki na may magagandang features sa mukha, lalo na ang agaw-pansin niyang jaw line.
Malawak ang ngiti nito na katabi si papa, habang may nakasabit na silver medal sa bata. Wala naman akong nakababatang kapatid, posible kayang pamangkin siya ni papa kaya medyo kahawig niya si papa? Hindi ako close sa mga pinsan ko pero alam kong ako ang pinakabata sa aming magpipinsan. Binuksan ko na ang envelope at bumungad sa akin ang larawan ni papa na hula ko ay sa Intramuros kinuhanan kasama ang parehong lalaki na nasa larawan, at kasama ang isang babae na nanay ata ng bata. Pero napansin ko sa larawan na nakadistansya si papa sa babae, kumpara sa batang lalaki na nakadikit kay papa. Tantiya kong mga nasa edad sampu ang batang lalaki sa larawang ito. Mas naging pamilyar sa akin ang mukha ng bata na parang madalas ko nakikita ang mukha niya sa school, hindi ko lang maalala kung sino.
Gamit ang cellphone ko, pinicturan ko ang mga litrato dahil gusto kong mag-imbestiga at alamin ang pagkatao ng batang lalaki na kasama ni papa sa picture. Posible kayang may ibang pamilya si papa? Never naman nagsabi si mama na may ibang pamilya si papa, kahit si kuya. Pinipigilan kong umiyak dahil wala pa naman akong tiyak na sagot tungkol dito. Hindi ko maiwasang isipin na ang inaakala kong perpektong pamilya ay may tinatago palang sikreto. Matapos kong mapatulala, tinuloy ko na lang ang paglilinis at humilata na sa upuan.
Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa ibang bagay. Nag-online ako at may message galing kay Kai. Nagsend siya ng listahan ng mga naisip niyang topic para sa case study namin.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...