(A.N: Hindi ko matiis na mag-update ng dalawang chapters minsan LOL hahaha. Hindi pa rin ako makapaniwalang matatapos na ito.)
-----------------
"Bilisan mo, may naghihintay sayo!"sino naman, ang aga pa ah. Dali-dali akong nagbihis ng uniform ko at dinampot ang backpack ko. Pagkababa ko ay bumungad sa akin si Axel na nakaupo.
"Good morning,"halata pang basa ang buhok niya at ang hot niya lalong tignan.
"Bakit pumunta ka dito? Ako ang dapat na susun-"
"Simula ngayon, ako na ang susundo sayo at sabay na tayong pupunta sa school,"sabi pa niya na parang wala akong choice kundi ang pumayag.
"Sayang sa pamasahe, kahit na papuntang school na lang tayo magsabay. Kailangan ko pa rin naman talagang sumakay ng jeep hindi ko na yun maiiwasan,"sabi ko pa sa kanya.
"Sige na nga, tara na,"tumayo na siya at nagpaalam na kami kay mama.
Mabilis kaming nakarating sa school at nagtaka kami nang makitang may nagkumpulan sa bulletin board na karamihan ay mga babae. Tumabi sila nang makita si Axel, at mukhang mga fan girls niya ang majority sa kanila. Napatingin kami sa nakadikit na sobrang pamilyar sa akin.
Yung drawing ko noong Grade 8 ako kung saan ginuhit ko ang sarili ko na walang mukha at katabi ko si Axel na may suot pang salamin sa drawing na iyon. Ito yung drawing na nakita nila Aiden, kaya nila nalaman kung ano talaga ako at doon nagsimula ang pambubully niya. Tandang-tanda ko na nasa akin pa ang original na drawing sa sketch pad na nasa bahay, ibig-sabihin ba may kumuha ng picture sa drawing ko na iyan noon?
Pero mas nagulat ako nang may nakasulat sa baba na homosexual who?
"Parang ako ito noon ah, pakulo na naman ba ito nila Ren,"sabi pa ni Axel habang nakatitig sa drawing.
"Oo nga, kamukha ni Axel yan noon"
"Tanda ko na! Noong grade 8, nakasalamin kasi siya minsan kapag napasok!"
"Sino naman kaya ang nagpost nito dito, anong mapapala natin dito?"
"May baklang obsessed kay Axel? Jusko kailangan nating malaman kung sino ang nag-drawing niyan!"
Sinubukan kong itago ang gulat ko, mukhang mas mapapasama pa dahil bukod sa gusto nilang ipakalat na bakla ako, mas pandidirihan ako ng mga tao dahil sa drawing ko na iyan.
"Tara na nga, wag na nating patulan yang kalokohan nila Ren, siguradong may binabalak na naman sila,"sabi pa ni Axel at umalis na kami doon.
May balak naman na akong magsabi sa lahat kung ano talaga ako, pero bakit kailangang pati iyan ay ipapakalat pa nila? Hindi na talaga nakakatuwa ang ginagawa nila, parang gusto nilang dumihan ang pagkatao ko sa mata ng iba.
Dumating kami sa room at umupo na si Axel sa upuan, samantalang ako ay lumapit kay Aiden.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...