"Ma!"parang inaway na tuta na ang itsura ngayon ni Axel.
"Salamat po Maam,"napasabi na lang ako nang ganun dahil sa compliment.
"Tita na lang o di kaya mama,"
"Sige po Tita,"ningitian ko siya.
"Sige, pasok na kayo,"sumunod kami sa mama niya papasok ng bahay.
Ang gaganda at ang dami pang gamit sa loob ng bahay nila, halos lumuwa ang mata ko dahil halatang sosyalin ang pamilya niya. Nakarating kami sa second floor, sa isang asul na pintuan. Kaagad naming pinahiga si Axel sa kama at ang mata ko na naman ay naglibot dahil maganda ang disenyo ng kwarto niya na may mga koleksyon pa ng action figures sa isang aparador, may mga cd ng video games, flat screen TV, at may computer din siya dito na may printer.
"Magpahinga ka na diyan burnok,"sabi ko sa kanya.
"Sinabihan mo akong tuta, tapos burnok naman! Yari ka saken kapag gumaling na ako Abed!"pagbabanta pa niya, natakot ako grabe *sarcasm.
Tumawa naman ang mama niya at nagpipigil ng tawa si Kai. Nagpaalam na kami sa kanya at nag-offer pa ng pagkain yung mama niya.
"Dito na kayo maghapunan,"mukhang sobrang bait ng mama.
"Hindi na po, uuwi na po kami sa amin bago pa po kami abutan ng dilim,"nakakahiya namang makikain eh first time pa lang namin dito.
"Sige na nga, basta mag-iingat kayo,"sinamahan pa niya kami palabas ng bahay nila.
"Maraming salamat po,"sabay naming sabi ni Kai.
Kumaway ang mama niya at naghiwalay lang kami ni Kai sa sakayan ng jeep pa-highway.
Naghahapunan na ako kasama ang pamilya ko pagkauwi ko. Next month, aalis na si Kuya para magstay sa isang apartment sa Ortigas dahil papasok na siya sa trabaho niya. Gustong lubusin ni mama ang mga oras na kasama pa namin siya.
Ginamitk ko ang chance na magkakasama kami sa hapagkainan para kausapin sila. Ngayon ko naisipang magtanong sa kanila dahil ang hirap itago.
"Mama, alam niyo ba ang tungkol dito?"pumunta ako sa storage room at kinuha ang dalawang litrato ni papa kasama ang batang lalaki.
Halata ang lungkot sa mukha ni mama nang tignan niya kami. Inagaw naman ni kuya ang larawang hawak ko.
"Oo, alam kong nagkaroon siya ng anak sa ibang babae. Siya ang babaeng kinikita ng papa mo sa beer house sa tuwing nag-aaway kami,"kahit na espesyal si mama, hindi ko akalaing magagawa ito ni papa sa kanya.
"Mabuti na lang at patay na siya, kung hindi papalayasin ko siya dito,"halata ang inis sa boses ni kuya.
"Never niyang iniharap sa akin ang batang iyan, kaya pala ako ang pinasamat niya sa graduation mo noong Grade 6 ka, kasi may iba siyang pinuntahan,"halatang nagpapakatatag si mama sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...