[YEONBIN]: His point of view

53 4 9
                                    

[SPECIAL CHAPTER 3: THE LAST]

April 2026: Rome, Italy (after the wedding)

-----------------------

Axel Lars

I woke up nang maaninag ko ang pumapasok na sinag ng araw sa bintana ng kwarto dito sa Buenavista Manor, ang pagmamay-ari ni mom. Tumira siya dito sa Italy ng ilang taon dahil dito siya nag-aral ng culinary arts. Napagpasiyahan namin ni Abed na dito na lang mag-honeymoon para maipasyal ko na rin siya sa mga gusto niyang mapuntahan dito sa Italy.


I can't stop myself from smiling nang makarinig ako ng soft snores mula sa natutulog kong asawa. Nakapatong ang ulo niya sa dibdib ko at nakangiti ako na parang gago habang tinititigan ko siya.


Ang dami kong naalala habang tinitignan ko si Abed.


"Why are you crying? What can I do para matulungan kita?"hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa batang lalaki na halatang kanina pa umiiyak nang mag-isa. Umupo ako sa tabi niya habang hawak-hawak ko ang isang buong tissue na dinukot ko mula sa back pack ko.


"Kasi afkgbrktfggrr-" hindi ko naintindihan ang lahat ng sinabi niya, halatang sobra ang pag-iyak niya kaya hindi niya makontrol ang boses niya.


"Ayaw nilang lahat sa akin, tinanggal nila ako sa grupo dahil..."mabuti na lang at naiintindihan ko na yung sinabi niya this time.


"May mga ganun talagang tao, but you don't have to please them,"kumuha ako ng mahabang ply ng tissue at inabot ko iyon sa kanya.


Alam kong hindi akma sa sitwasyon, pero I find him cute kahit na umiiyak siya. Nasilayan ko rin ang kanyang dimples habang nagsasalita siya kanina. Napatulala na lang ako habang pinapakiramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. What the hell is happening to me?


Hinintay kong tumahan siya, at pansin kong hindi man lang siya makatingin sa mata ko. Nag-usap kami saglit, hanggang sa kinailangan niyang umalis. It's very nice to meet you, Abednego. Iyon lang ang nakita ko sa name tag niya at nang matapos ang araw na iyon, naglalakad ako sa paligid ng school para hanapin kung ano ang section niya. Hindi naman ako nabigo sa paghanap at pasimple pa akong dumadaan sa classroom nila minsan. 


Hindi maalis ang unang pagkikita namin sa isipan ko and it bothers me a lot lalo na nang makumpirma ko sa sarili kong gusto ko siya. Doon na ako nagkaroon ng thought na isa akong bisexual na kaagad ko namang inamin sa parents ko. Buong puso nila akong tinanggap, but it won't change the fact na I'm in denial. As the one and only son of my dad, he's expecting me na magkakaroon ako ng pamilya at ng anak na magiging tagapagmana ng RMT Corporation sa mga susunod na generation.


Kaya nang magkaroon din ako ng crush kay Paulyn, hindi ko sinayang ang pagkakataong umamin sa kanya at pormahan siya sa pag-asang mawawala din ang lahat ng nararamdaman ko sa taong hindi ako kilala, at sa taong bawal kong mahalin.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon