"Lagi kong pinaniniwalaan lahat ng sinasabi ni Aiden sa akin, ayaw niya sayo at nakisama rin ang loob ko na kaayawan ka. Lahat ng sinasabi niya, pakiramdam ko ay tama kaya palagi akong sumusunod sa kanya. Matagal ko na siyang kaibigan kaya ayaw ko siyang suwayin at ayaw kong iwanan niya ako. Pero gumulo ang isip ko nang dahil sayo!"halata sa mukha niya ang pagkabalisa at naguguluhan.
"Wala naman talaga akong pakialam sayo, pero bakit ganun? Simula nang maunawaan ko ang sitwasyon mo lalo na yung epekto sayo ng ginawa ni papa, naguluhan ako tungkol sa dapat kong maramdaman sayo!"kunot-noo niyang sigaw.
"Bakit parang ayaw kong magpagamit kay Aiden para sa masamang balak niya sayo? Bakit parang labag sa loob ko kung sasabihin ko sa kanyang papayag ako? Bakit parang gusto kong magkaroon ng pakialam sayo kahit na hindi dapat?"humina ang boses niya na para bang labis na siyang nasasaktan.
Dapat ba akong maging umasa dahil parang may parte sa kanya na nagmamalasakit sa akin o hindi? Pero kung tatanggihan naman niya si Aiden, siguradong magkakaroon ng gulo sa pagitan nila ni Aiden at kahit na ayaw niya sa akin, ayaw ko rin naman siyang mapahamak. Bumigat ang dibdib ko at tila gustong-gusto kong sumigaw.
"Kung ayaw mong masaktan, gawin mo na lang ang sinasabi ng kaibigan mong nakasama mo na nang matagal. Wala naman akong laban sa tibay ng samahan niyo diba? Sige, saktan mo na lang ako, sanay naman na akong masaktan! Sanay naman akong hindi napipili! Sanay na akong kamuhian ng iba kahit na wala naman akong ginagawang masama! Sanay na akong maging walang kwenta!"isinigaw ko lahat ng nais kong sabihin at parang namanhid ang buong katawan ko habang mahigpit na nakasarado ang kamao ko.
"Tama na! Dapat nga matuwa ako kasi nasasaktan ka, dapat maging masaya pa ako! Pero bakit ganun, masakit dito!"itinuro pa niya ang kaliwang dibdib niya.
"Bakit parang nasasaktan pa ako?! Nakakainis ka!"napapikit ako nang damputin niya ang tabo na may lamang tubig at ibinato niya iyon sa akin.
Natalsikan ang buhok at mukha ko, samantalang ang uniform ko ay nabasa na. Panandaliang humapdi ang parte ng dibdib ko na natamaan ng tabo, pero balewala lang iyon kumpara sa nararamdaman ko ngayon.
"Ako na naman ba ang may mali Cedric?"mahina kong sabi, at tinignan ko siya na parang napapagod na ako.
Sawa na akong isipin kung ano ang nasasabi at naiisip sa akin ng ibang tao. Sana na akong alalahanin kung ano ang tumatakbo sa isip nila.
"Hindi, hindi, hindi!"lalong bumigat ang pakiramdam ko nang makita kong umiiyak siya habang napapasabunot sa sarili niya.
May damdamin pa rin naman ako, at nasasaktan ako dahil may pinagdadaanan siya sa sarili niyang puso at isip. Nasasaktan akong makitang naiiyak siya at parang gusto kong bigyan ng pagpapahalaga ang katotohanang kapatid ko siya sa ama. Tumingin siya sa akin sa huling pagkakataon habang padabog na pinahid ang luha niya, at umalis na siya dito. Nanatili lang akong nakatayo doon, na nalilito rin sa pinapakita ni Cedric. Pinulot ko ang hinagis niyang tabo at inayos ang trash can, bago ako tuluyang lumabas.
Pauwi na rin naman na ako kaya wala na akong pakialam kahit basa na ang suot ko. Napaangat ako ng tingin nang makita ko ang pamilyar na pares ng sapatos ni Kai.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...