[58th CHAPTER]: Together

57 5 7
                                    

---------4 months later

Masaya ako dahil naayos na namin lahat ng requirements para sa graduation. Dalawang araw na lang at gagraduate na rin kami. Napag-alaman na nga pala ng lahat na hindi makakagraduate sila Ren at yung mga tropa niya dahil bagsak sila sa ibang subject. Nagkaroon din ng away sa pagitan nila at ng mga teacher kaya naman magiging Grade 12 repeater sila next school year. Iyon na siguro ang pinakamalaking karma sa kanila.


Hindi ko alam kung bakit pero tatlong araw nang naging cold sa akin si Axel. Hindi naman ako maka-tiyempo na komprontahin siya sa dahilan niya kaya ngayon ay hindi na ako matatahimik pa.


"Matagal ko nang napapansing iba yung trato mo sa akin, tapatin mo nga ako kung anong problema mo sa akin?"panimula ko nang maglakad kami dahil kakatapos lang ng graduation practice namin.


"Akala mo ba maitatago mo sa akin ang lahat? Alam ko na ang lahat,"seryoso niyang sagot.


"Anong tinutukoy mo?"kumunot ang noo ko.


"Simula doon sa pagdala sayo ni Aiden noon sa bakanteng lote, at noong pinasok nila Ren at Daniel ang bahay ni Kai. Alam ko lahat ng detalye,"hindi mo maiwasang mapayuko sa sinabi niya.


"Hindi na mahalaga yun, tapos na iyon at ligtas naman kami,"sinusubukan kong pagaanin ang tensyon pero nagulat ako nang samaan niya ako ng tingin.


"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat? Bakit ka naglilihim sa akin? Pakiramdam ko tuloy wala akong kwenta sayo!"napatingin na lang ako sa sapatos niya habang kinakagat ang labi ko sa kaba.


"Hindi ko sinabi pa kasi ayokong makadagdag sa pinagdadaanan mo lalo na noong mga panahong napaka-fragile mo pa. Wag ka nang magalit, kalimutan mo na yon ang mahalaga ayos lang ako,"sinubukan kong sabihin ang rason ko pero mukhang mas lalo siyang nagalit.


"Hanggang kailan ka maglilihim nang ganito sa akin Abed? Ano pang nililihim mo sa akin?Hanggang sa mabalitaan ko na lang na isa ka nang malamig na bangkay ha?! This is bullshit!"napakurap ako nang sigawan niya ako.


"Hindi sa ganun, sorry na!"mabilis siyang naglakad palayo sa akin. Wala akong lakas ng loob na habulin pa siya nang maramdaman kong lumuluha na ako. Tumakbo na lang ako papasok sa isang bulding na walang katao-tao at doon ako umiyak nang mag-isa.


Nagulat ako nang may humawak sa akin at hinatak ako. Sinubukan kong kumurap para luminaw ang paningin ko na puro luha pero nagtaka ako nang ipasok ako ng lalaking humatak sa akin sa loob ng SHS faculty. Ang humatak pala sa akin ay ang teacher na si Sir De Castro.


"May problema ba? Kaya kong pagaanin ang loob mo sabihin mo lang kung anong gusto mo,"nagulat ako nang hawakan niya ang magkabilang-balikat ko para paupuin ako sa mahabang upuan malapit sa table niya.


"Wala lang po ito Sir, salamat po,"pinakalma ko ang sarili ko dahil nakakahiya namang umiyak sa harap ng teacher.


"Kung gusto mo, dito ka na muna dahil sisiguraduhin kong sasaya ka pagkalabas mo dito,"kinilabutan ako sa tono ng boses niya na parang may malisya at ang lagkit ng tingin niya sa akin.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon