Kagaya ng nakagawian sa tuwing nakikitulog si Kai dito, nagpatugtog kami nang mahina gamit ang speaker na pagmamay-ari ni Kai.
"Ano nga bang nangyari sayo kung bakit hindi ka nasagot sa phone calls namin ni Axel kanina? Dumating siya nang 10 minutes na mas maaga kaysa sa call time namin sa bahay namin. Tapos nang kabahan kami kasi baka kung ano nang nangyari sayo, sinubukan ka niyang sunduin sa inyo pero nakita ka daw niyang naglalakad na parang walang buhay sa highway ng San Agustin malapit sa bayan. Basta ang alam ko lang muntik ka nang masagasaan, mabuti na lang talaga at nakita ka niya,"pagsisimula niya.
Kung nasagasaan pa ako, mas malaking problema pa ito at baka umuwi nang wala sa oras si kuya.
"Sinundan ko kasi si Cedric, at hindi ko inaasahang si papa ang makikita ko. Half brother ko nga siya, at nakita kong masaya sila sa isa't-isa,"hininaan ko ang boses ko para masigurong hindi maririnig ni mama.
"Malaking problema to, pineke pa niya ang pagkamatay niya. Malaking issue na nga yung pangangaliwa niya, tapos sinet-up niya kayo para mapalabas na patay na siya para lang makasama ang kabit niya at si Cedric,"sabi ni Kai.
Oo, at malaking gulo to lalo na kapag nalaman nila mama at ni kuya. Naalala ko na naman yung ginawa ko sa sementeryo kanina.
"Doon ako naulanan, at tumakbo ako nun papunta sa sementeryo para isigaw lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko,"sabi ko sa kanya at halatang nalungkot siya.
"Kaya pala biglang nagbago yung mga tingin sayo ni Axel simula nang mabanggit niyang dinala ka niya sa bahay nila. Yung mga tingin na nag-aalala siya nang sobra sa iyo at halos ayaw niyang mawala ka sa paningin niya,"sabi niya at napatingin ako sa kanya na parang hindi makapaniwala.
"Nahihiya akong sabihin at itanggi, pero ramdam ko nga iyon lalo na nang hindi ko napigilang umiyak sa harapan niya kanina. Kakaiba talaga siya, hindi ko malilimutan lahat ng sinabi niya kanina,"napayuko ako at nilaro ang mga daliri ko na parang pabebeng nilalang.
"Wag mong hayaang itago ang nararamdaman mo, ayokong mas masaktan ka pa nang dahil sa pagkimkim mo sa tunay mong nararamdaman," tandang-tanda ko pa yung eksaktong pagkakasabi niya.
"Siguro may malisya yan kung wala siyang nililigawan, at kung babae ka,"hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi ni Kai o hindi.
"Bumaba na kayong dalawa, maghahapunan na,"rinig ko kaagad ang boses ni mama at dali-daling tumayo si Kai na parang gutom na.
Kaming dalawa na rin ang nag-presentang magligpit at maghugas kasi nagpumilit akong maayos naman na ang pakiramdam ko. Pagkatapos ay naligo kami. Bago ulit bumalik sa kwarto ko at makatulog na maya-maya. Kagaya ng nakasanayan, tabi kaming matutulog sa kama ko, buti na lang at kasya kami.
"Si Axel lang pala ang solusyon para mabilis bumuti ang pakiramdam mo eh,"sabi niya nang bigyan ko siya ng isang unan.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang parang tanga dahil sa kilig.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfic"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...