Tinignan ko silang dalawa na sinasabing 'magsinungaling kayo wag niyo sabihin yung nangyari sa akin' pero nagulat ako nang umiling si Aiden.
"Ang totoo po niyan kuya, sa pangunguna ko noong Grade 8, binully po namin siya nila Cedric. Sorry po,"kinabahan ako nang magsabi ng totoo si Aiden.
"Nagkamali po kaming kaayawan siya dahil sa pagiging iba niya, sa pagiging bakla niya. Alam po naming kulang ang mga salitang sorry sa nagawa namin sa kanya, pero sigurado po kaming magbabago na po kami kuya,"dagdag pa ni Cedric na halatang pinipigilang mautal.
"Pwede niyo bang sabihin kung anu-anong ginawa niyo sa kapatid ko?Isa-isahin niyo,"kinabahan ako nang maramdaman ko ang mabigat na aura ni kuya, eto na naman si incredible hulk.
"Nilagyan ng bato yung bag, nilagyan ng kanin yung inuming tubig, kinulong po namin siya sa CR, hinusgahan, kinulong sa computer lab, hinagis sa fish pond yung uniform niya, nilublob sa d-"pinutol ko na si Aiden.
"Tama na! Ang mahalaga alam na nilang mali sila at kung magbabago na talaga sila, hindi na kailangang isa-isahin at isumbat ang mga kasalanan nila noon,"ngayon lang ako naging ganito sa harap ng kuya ko dahil kailangan kong pigilan ang galit niya.
"Paano kung napatay niyo yung kapatid ko ha? Mababalik ba ng sorry niyo yung buhay niya? Kailanman hindi ko pinangarap na mangyari lahat ng iyan sa kapatid kong puro hirap na lang ang naranasan sa pamilyang ito!"tumaas ang tono ng pananalita niya at pakiramdam ko naiihi ako sa kaba.
"Buti alam mong hindi mababago ng sorry ang mga naranasang hirap ng kapatid ko sa high school nang dahil sa makikitid niyong utak! Kung hindi lang siya nagpakatatag, siguro matagal nang durog at miserable ang kapatid ko!"kahit na galit siya, alam kong nasasaktan rin si kuya sa narinig niya.
"Naiintindihan ko po kung bakit naging ganun sila! May kwento kung bakit naging ganun sila at bata pa sila kaya hindi nila maiwasan ang magkamali. Kung hindi rin dahil sa kanila, hindi ako magiging ganito kuya. Pakiramdam ko ay nasa kapalaran kong maranasan ito para patatagin ako. Please lang kuya, bigyan mo sila ng chance! Kapatid pa rin natin si Cedric!"diretso ang tingin ko sa mga mata ni kuya.
"Sige kung kaya mo silang tanggapin, edi susuportahan kita. Ang tangi ko lang magagawa ay ang ingatan ka at bantayan. Pero bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat ng nangyari sayo, bakit? Kung nalaman ko lang sana, edi hindi ko hinayaang magtagal ang pambubully nila sayo. Kung nalaman ko lang, edi sana mas naiintindihan kita at nadadamayan,"halatang nasasaktan si kuya kaya lalo akong nakonsensya.
"Desisyon kong hindi sabihin iyon dahil naniwala akong mas magiging matatag at independent ako kung haharapin ko iyon nang hindi umaasa sayo kuya. Hindi ako nagsisi sa desisyon kong iyon kaya wag ka nang masaktan, ang mahalaga ay nagiging maayos na ang lahat para sa akin. Magkakaibigan na nga kami,"sabi ko at ngumiti nang matipid. Kahit papaano, masasabi kong proud ako sa sarili ko. Proud ako dahil hindi nanaig sa akin ang galit at paghihiganti sa lahat ng ginawa nila.
"Sobrang proud ako sayo, basta palagi lang akong nandito para sayo,"nahalata kong nagtutubig na ang mga mata niya kaya bigla kaming tumawa, lalo na si Axel at Kai.
"Tumigil kayo diyan, kukutusan ko kayo isa-isa!"masungit pang sabi ni kuya Andre at mas lumakas lang ang tawanan namin.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...