Napahiya rin ako sa harap niya kaya pabebe na muna ako kahit gusto ko siyang sunggaban.
"Hindi na, kay Kai na lang ako magpapatu--"
"Hindi ako tumatanggap ng 'no' ngayon,"diretsong wika niya na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.
Naman eh, nag-aassume ako lalo.
Tatanggapin ko na sana ang kamay niya pero inunahan na niya ako. Ipinatong niya ang isa kong kamay sa balikat niya, at ang isa kong kamay ay nakahawak sa isa niyang kamay, habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa bewang ko. Ano to, ako babae?
"Ikaw muna ang babae, gagabayan kita sa pagsasayaw kasi yan ang role nating mga lalaki sa by pair na sayaw. Yung mga nakakalitong moves ay babagalan ko lang para mas magets mo kung paano gawin nang hindi nagkakagulo,"napatitig na lang ako sa buhok niya, paano ba naman eh mas matangkad ako sa kanya hahah.
Sinimulan na niya akong sayawin at ako naman ay naging alerto para tandaan ang pagkakasunud-sunod at yung tamang technique para naman hindi na ako ulit mapahiya sa kanya. Ang awkward kasi nanonood silang lahat, yung nililigawan niya nanonood.
Ang linis ng mga galaw niya at ang graceful. Siya ang nag-lead kaya gumanda tignan yung pagsasayaw namin.
"Natatandaan mo ba lahat?"tanong niya nang matapos kami.
Tumango lang ako.
"Sige, isayaw mo na ngayon si Claire at papanoorin ko kayo, para masiguro nating kabisado mo na,"binitawan na niya ako.
Lumapit naman na si Claire sa akin na halatang naliwanagan na rin at nagsimula na kaming sumayaw sa lead ko. Ginalingan ko nang onte para worth it panoorin sa mga mata ng kaklase ko kahit na tinawanan nila ako kanina.
"Ayan! You did a great job!"ngumiti nang matipid si Axel.
"Thank you,"sincere kong sabi.
"Walang anuman, tayo-tayo lang sa section na ito ang magtutulungan. Imbes na tawanan at asarin ang ibang tao, mas mabuting tumulong na lang tayo, diba Aiden?"ang tapang din nitong si Axel, nakakaturn-on lalo.
Halatang naaasar si Aiden na binigyan lang si Axel ng isang tingin. Buti nga sayo, sarap talagang irapan ni Aiden na isang tukmol.
Saktong bumalik na si Sir at nagpractice na ulit kaming lahat. Makakasurvive rin ako sa sayaw na ito nang dahil kay Axel, sana makapasa ako. Next month, sa September daw namin ipepresent yung sayaw nang nakasuot na ng angkop na damit para sa sayaw na ito.
Natuwa naman si Sir dahil mabilis daw kaming lahat na makasunod. Dinismiss na niya ang klase at pumunta na kaagad kami ni Kai sa CR para magpalit ng uniform.
"Sayo dapat ako magpapaturo eh,"sabi ko kay Kai.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...