[54th CHAPTER]: Red Chrysanthemum

85 3 16
                                    

: May I confess my love for you?

----------------

Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako para kumain ng almusal pero nagulat ako nang makitang may katabi si kuya sa hapagkainan.


"Kumain ka na dito, aalis daw kayong dalawa ni Axel ngayon,"sabi pa ni mama habang nakatingin silang lahat sa akin.


"Pumayag ka kaagad mama? Nakakatamad kayang lumabas!"sabi ko. Si kuya ay parang natutuwa pa sa sinabi ko, pero si Axel ay halatang naiinis.


"Ayaw mo akong kasama ganun?"tanong pa niya nang halos maging linya na lang sa liit yung mata niya.


"Bakit wala ka bang dadalawing patay na kamag-anak sa sementeryo?"naghahanap ako ng excuse para maiwasan ko siya.


"Wala, sayo lang naman patay na patay itong puso ko eh!"biglang tumahimik ang paligid. Ngumiti si mama, samatalang si kuya ay tinignan siya nang parang babalatan ng buhay.


Umupo na lang ako sa hapag-kainan para kumain, umagang-umaga bumabanat na siya nakakakilig! Mabuti na lang at kaya kong magpanggap na hindi kinikilig. Tahimik lang kami hanggang sa matapos kami.


"Ingat kayo sa pagbiyahe!"sabi ni mama.


"Kailangan i-uwi mo siya nang buo at walang galos!"pananakot pa ni kuya at ningitian lang siya ni Axel na parang nagpapagood-shot.


Nagmaneho na si Axel at sinabihan niya akong wag nang magtanong kung saan kami pupunta. Nagkalkal lang ako ng cellphone ng mga lagpas isang oras at nakarating kami sa special place an pinuntahan namin noon.


Tahimik lang kaming umakyat doon, hanggang sa makarating sa roof top. Umupo kami sa lapag at naghihintay akong magsalita siya. Narinig ko lang ang pagbukas niya ng wrapper ng bubble gum at sinubo niya ito.


"So, bakla ka pala,"


"At bisexual ka pala,"nagkatinginan kami, bakit ang awkward.


"Wag kang mag-alala, walang magbabago sa ating dalawa,"sabi pa niya.


"Ako rin, tanggap ko kung sino ka, susuportahan kita,"ngumiti ako nang matipid.


"Ang totoo niyan, masaya ako nang malamang bakla ka,"hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya, pero bakit naman kaya?


"Bakit?"nilakasan ko ang loob ko na tumingin sa mga mata niya.


"Kasi, ano, uhm"pinigilan kong tumawa dahil nauutal siya. First time niya lang na maging ganyan, samantalang sa mga chicks ang lakas lakas ng loob niya dahil nga cool siya.


"Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo kasi alam kong magugulat ka. Pero hayaan mo lang ako na gawin ito at umaasa akong may pag-asa ako sayo,"seryoso niyang wika at pinalobo niya ang bubble gum na nasa bibig niya. Pareho pala kaming marunong magpalobo ng bubble gum hahahaha.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon