[45th CHAPTER]: Stay by my side

71 6 6
                                    

(A.N: Yiiieeeee #CantYouSeeMe2ndWin keleg ako ang daming ganap kahapon ng TXT wooohhh!)

-----------

Malalim na ang gabi at walang katao-tao sa tahimik na kalsada. Pasan-pasan ko ngayon sa likod ko ang pagod na pagod nang si Axel. Di ko na alintana ang pagod, dahil mananatili ako sa tabi niya katulad nang ginawa niya sa akin noong mga panahong kailangan ko ng karamay.


Umuwi na rin at nakahinga nang maluwag si Kai nang sabihin kong nahanap ko na siya. Nakaidlip na siya sa balikat ko. Iuuwi ko na siya sa kanila at wala na rin naman kaming masasakyan kaya nilakad ko na lang. Alam kong sobrang nanghihina ang katawan niya kaya pinasan ko na lang siya. Narinig ko naman ang pagkalam ng sikmura ko, paniguradong hindi pa nakakain ng hapunan si Axel pero hahayaan ko na lang siyang magpahinga.


Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay niya, dumiretso ako sa kwarto niya at nandoon si Tita na halatang kanina pa umiiyak.


"Anak ko!"


Ramdam kong nagising si Axel, kaya iniupo ko na siya sa kama niya. Muli na naman siyang napaiyak nang sunggaban siya ng mama niya at yakapin nang mahigpit.


"Wag mo nang uulitin yun anak pakiusap! Hindi namin kakayaning mawala ka sa amin! Nandito lang palagi ang papa at mama para gabayan ka,"hindi napilinan ni tita na humagulgol.


"Patawarin niyo po ako! Hindi ko na po uulitin pangako! Ayaw ko po kayong masaktan!"hindi na napigilan ni Axel na maging emosyonal. Marapat na ring malaman niya na nandyan ang magulang niya sa lahat ng pagkakataon at hindi niya kailangang magpadala sa expectations.


Napangiti ako habang palihim na nagpahid ng luha dahil sa nakikita ko. Ang walang katumbas na pagmamahal ng isang ina sa anak na paulit-ulit niyang papatawarin at mamahalin kahit ano pang mangyari.


Hinayaan na naming makatulog si Axel, matapos nilang magyakapan ng mama niya. Hinalikan ni tita sa noo si Axel, bago kami lumabas sa kwarto niya.


"Pwede bang makiusap sayong dito ka muna? Wag mong iwan ang anak ko please!"pakiusap ni tita at alam kong hindi ko siya matatanggihan.


Wala namang tao sa bahay, at wala rin akong dalang gamit.


"Ipapasuot ko muna sayo yung ibang damit ng anak ko, kumain ka na rin ng hapunan ngayon. Maraming salamat, tatanawin kong malaking utang na loob ang pagligtas mo sa anak ko,"nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit.


"Ginawa ko lang po ang nararapat, hindi ko malilimutang hindi niya rin po ako iniwan noong mga panahong nananaig sa akin ang pagdadalamhati. Mabuting tao po ang anak niyo, at masaya rin po ako dahil suportado niyo po ang anak niyo,"sabi ko at yumakap rin ako pabalik.


Mga tatlong subo lang ang nakain ko dahil wala ako ng gana, nandito pa rin ang pag-aalala ko para kay Axel. Hindi biro ang maging suicidal at nabanggit na sa akin ng mama niya na ipapakonsulta niya ang anak niya sa isang mental health professional at kakausapin rin ng mama niya ang adviser namin dahil sa mga namiss na activities ni Axel sa iba pa naming teacher. 

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon