"Sige magpa-cute naman kayo, in 3, 2, 1!"nag-flash ang DSLR na dala ng magulang ni Axel nang kuhaan nila kaming lima ng litrato.
Si Kai at Cedric ay naka-graduate na parehong with high honors dahil lumagpas sa 94 ang average nila. Samantalang kaming tatlo nila Axel at Aiden ay naka-graduate with honors. Ayos na ayos ang itsura naming lahat dahil siyempre, espesyal na araw ito.
Kumalat kaagad sa buong school ang pagtanggal kay Sir De Castro sa school. Sa oras na may gawin pa siya, lisensya na niya ang sunod na tatanggalin, ayon kay Axel. Alam na rin ng lahat ang nangyari pero hindi na binanggit pa na ako iyon para daw sa kapakanan ko. Hindi ko rin naman gugustuhing kumalat iyon.
"Wag niyong kalimutan yung outing natin sa Sabado ha!"sabi ni Axel kina Kai, Cedric, at Aiden bago sila humiwalay sa amin dahil may kanya-kanya silang gagawin kasama ang magulang nilang dumalo. Maliligo kami sa isang resort na rerentahan daw ni Axel ng isang araw para daw kami lang ang maliligo doon. Iba talaga kapag rich kid laki ng baon at ipong pera.
Nahihiya pa ako dahil nagpareserve sa bigating restaurant ang papa ni Axel at gusto niyang kumain nang kasama kami nila mama at kuya. Halatang napaka-respetadong tao ng papa niya na strikto ang itsura kaya kinakabahan ako. Sumakay kami sa isang SUV at sa sobrang kaba ko, hindi ko namalayang nandito na pala kami sa loob ng restaurant at umupo na ako sa tabi ni Axel.
"Wag na kayong mahiya, ang awkward naman ng paligid,"yung mama ni Axel ang bumasag sa katahimikan.
"Siguro sobrang proud kayo sa batang ito dahil maganda ang pagpapalaki niyo sa kanya. My son keeps on talking about him, even my wife. I will never forget yung ginawa niyang pagligtas sa nag-iisa kong anak,"malalim ang boses ng papa niya at kakaiba ang accent niya sa pagsasalita.
"Yes, kaya susuportahan ko ang dalawang bata na ito. Thank you for inviting us,"magalang na sabi naman ni mama. Natatawa na lang ako dahil halatang speechless si kuya, samantalang kapag si Axel lang ang kasama ay para siyang unggoy na mainit ang mga mata sa kanya.
"I really like him, ipapa-arrange marriage ko na sana itong anak ko simula nang lokohin siya ng babaeng una niyang pinakilala sa amin. I almost forgot na bisexual siya and hindi ko na tinuloy yung plano ko nang aminin niyang mahal niya si Abednego,"napatulala ako sa sinabi ng papa niya at napangiti ako.
"Ako na mismo ang bubugbog sa anak ko kapag sinaktan niya itong isa ko pang anak na si Abed,"malambing na sabi naman ni tita pero halatang tinatakot niya si Axel.
"Basta we will all support you, kaya pagbutihin niyo ang pag-aaral niyo para maging maganda ang kinabukasan niyo. Tara kumain na tayo,"akala ko sobrang nakakatakot yung papa niya, mukhang mabait naman siya sa mabait at hindi siya matapobre.
Naging masaya talaga at espesyal ang araw na ito na puro magagandang alaala. College na ako huhu, aaminin kong mamimiss kong maging high school dahil mas busy at mahirap sa kolehiyo.
~~~
Pagkatapos ng dalawang araw, ay ang inaabangan naming outing. Ginamit ni Axel and SUV ng papa niya at doon na rin kami nagkita-kita sa bahay nila. Marami kaming dalang gamit, lalo na yung mga pagkain siyempre.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...