[39th CHAPTER]: Affectionate

50 4 7
                                    

(A.N: Waaaa di ko maiwasang mainggit dun sa pa-video chat ng TXT dun sa mga nanalo sa weverse huhuhuhu lalo na dahil may finofollow ako sa twt na PH MOA na nanalo rin at nakachat sila.  Napaiyak pa niya si Soobin huhuhuhu ang softieeee talaga ni Soobin  huhuhuhu mapapa-sanaol ka na lang talaga naiiyak din ako pramis T.T )

----------

Once a week lang umuwi ang mama ni Kai, at minsan may night shift ang ate niya kaya hindi siya nasasamahan. Ang papa niya, may iba na ring pamilya at iniwan sila noong mga bata pa sila.


"Pagkauwi kasi niya, uminom naman siya ng gamot at dumiretso sa pagtulog. Tapos maya-maya, inaapoy na pala siya sa lagnat,"sabi ng ate niya habang naghahanda ng gamot at tubig.


"Wag po kayong mag-alala, aalis lang po ako kapag magaling na siya,"sagot ko at ako na ang nagbitbit ng tray na may gamot, tubig, at soup.


"Pasensiya na, may shift din kasi ako ngayong gabi,"kaya pala nakabihis na si ate Lea na parang aalis.


"Wala pong problema ate, anytime po,"pinagbuksan niya ako ng pintuan sa kwarto ni Kai, bago siya tuluyang umalis.


Inilapag ko sa lamesa ang tray at simulang gisingin si Kai na parang si fire boy na sa init. Mabuti na lang at kumain siya at napansin kong napatingin siya sa akin nang medyo matagal.


"Bakit parang ang saya mo ngayon? May nangyari ba?"hindi ko maiwasang matawa, ang bilis niya talaga makahalata kapag natingin sa akin.


"Ikaw talaga, may sakit ka na nga gusto mo pa ring maki-tsismis!"pang-aasar ko sa kanya.


"Baliw ka talaga!"kinurot niya ako nang mahina sa braso ko.


"Kanina kasi, tinawag na akong kuya ni Cedric,"


"Wow talaga? Anong klaseng espiritu ang sumapi sa kanya para bumait?"natawa na lang ako sa reaksyon niya.


"At hindi lang yon, niligtas niya ako sa kamay nila Aiden at ng dalawang tukmol na kabarkada ni Axel nang ilublob nila ako nang ilang beses sa drum kanina,"masaya ko pang pagbanggit.


"ANO?!"hindi ko inaasahang mapapasigaw siya.


"Chill ka lang, ang taas na nga ng lagnat mo eh tapos sasabayan mo pa ng init ng ulo!"pabiro kong wika sa kanya.


"Kasi naman, may balak ka bang patayin ng Aiden na yun? Wala rin ako kanina, wala rin si Axel, buti na lang at walang masamang nangyari sayo,"nang maramdaman kong ma-dodown na naman siya, inakbayan ko lang siya.


"Tapos na iyon, ang mahalaga nagbago na si Cedric kasi ang totoo niyan naguguluhan lang siya sa sarili niya kaya naging gago siya noon. Hindi siya masaya at na-realize niyang mali pala ang ginagawa niya at handa akong tanggapin siya,"ngumiti ako nang malawak.


"Wag ka nang mag-isip pa, mag-focus ka muna sa pagpapagaling mo,"tinapik ko ang ulo niya, feeling tatay talaga ako sa kanya pero kapag si Axel ang tatapikin ko, doggie naman siya.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon