"Introduce yourself in a creative way, yung matatandaan ko dapat kayo nang dahil sa ginawa niyo. You can act, dance, rap, sing, or kung anomang pakulo ang gusto niyong gawin. Igugurupo ko kayo sa apat!"bungad kaagad ng bago naming teacher sa first subject na si Mr. Rodriguez.
Akala ko pa man din magiging boring ang first class namin, may ganito pa pala. Kinabahan na naman ako nang bongga dahil siyempre, mahiyain kaya ako. Wala pang katalent-talent hay jusme. Kaya natin to Group 4!
Nag-usap kaagad ang mga kagrupo ko at nakaform sa circle ang armed chair namin. Nakapag-isip naman kaagad sila ng mga gagawin nilang pakulo, samantalang ako.
"Ikaw na lang huli naming ipapakilala, anong gusto mong gawin Abednego?"tanong ng katabi ko.
"Sasayaw na lang ako onti"gagawin ko na lang ang traffic dance ng idol kong si Jin.
"Ayos! Sige!"pagsang-ayon naman ng iba naming kagrupo.
Sa lahat ba naman ng pinapanood kong dance choreography, yung traffic dance lang yung proud akong isayaw sa harapan nila.
Kaagad na pinabalik sa dating pwesto ang mga upuang nakapalibot at isang-isa nang nagpresent ang bawat grupo. As usual, napuno ng tawanan ang room lalo na sa mga class clowns sa room na gumawa pa ng sariling tag line at nanggaya sa ibang TV commercial. Halos sumakit ang panga ko kakatawa, maging ang kaibigan kong si Kai.
Nanahimik naman ulit ang lahat nang magpresent ang group 3, at kami na ang huling magpepresent. Tahimik naman ang iba dahil nagsimulang magkantahan ang karamihan sa mga kagrupo ni Axel. Ano kayang gagawin ng isang talented na katulad ni Axel?
Bigla namang napatigil ang lahat nang maglabas ng cellphone si Axel at nagpatugtog sia ng isang pamilyar na kanta. Diniretso niya kaagad ito sa lyrics at nagsimulang magwala na naman ang puso ko.
'I'm the bad guy, duh'
Sinasaway niya yung chorus part, at naghiyawan ang mga babae nang dahil sa sexy dance niya. Gamit na gamit ang sahig nang dahil sa mga galawan niya. Ang swerte naman ng sahig, kung babae lang ako malamang nakisali na ako sa mga nagtitilian dahil sa nag-uumapaw na appeal ni Axel. Napatitig na lang ako sa kanya habang nakapalumbaba.
Lumawak lalo ang ngiti ko sa body wave niya, at eto na nga, nagtayuan ang mga babae sa last part ng sayaw niya. Kulang na lang mabuntis yung sahig sa sobrang sexy ng pag-grind ni Axel. Pakiramdam ko nasa langit na ako sa sobrang init ng pakiramdam ko haha.
Pinatahimik naman kaagad ni Sir ang mga nagtitilian, para makapagpresent na kami sa harapan. Matiyaga akong naghintay hanggang sa matapos ang kagrupo ko, nang nanginginig ang mga daliri ko at natahimik ang lahat nang ako naman ang magpapakilala.
"Ako nga pala si Abednego G. Montanilla, 17 years old"
At nagsimula nang magtawanan ang lahat sa sayaw ko, maging ako tumawa na lang din sa sobrang hiya. Saglit kong tinignan si Axel, na tumatawa habang hinahampas pa ang lamesa. Yumuko na lang ako habang bumalik sa upuan ko, sa wakas nakaraos din ako sa kahihiyan at sa mga sumunod na klase, puro naman tungkol sa class rules ang naganap tapos lunch break na.
Bumili kaagad ako ng tinapay sa Julie's bakeshop na nakatayo sa gilid ng canteen namin. Nilabas ko na ang lunch box ko at kumain na kasama si Kai.
"Halos maging concert na yung classroom sa ginawa ni Axel kanina grabe!"sabi ni Kai at binigyan ako ng makahulugang tingin.
"Oo nga eh, buti na lang nakontrol ko ang sarili ko sa kilig,"sagot ko naman.
"Dadaan ka muna sa mga fan girls niya bago maging kayo,"nakangisi pang wika ni Kai.
"Sa dulo naman nun ay ang langit, di ko malaman kung langit ba o impiyerno kasi nakakasunog yung hotness niya,"nakangiti ko namang sagot.
"Porn ba yang pinag-uusapan niyo?"narinig kong wika ng tao na nasa likuran ko.
Nanlaki naman ang mga mata ko at nagkatinginan kami ni Kai. Tinuro ni Kai ang lalaking nasa likod ko at napalingon ako. Napaawang kaagad ang bibig kong puno ng pagkain nang makitang si Axel ang nagsalita.
Porn?! Basta ba tungkol sa porn nakukuha yung atensiyon niya? Nabulunan naman ako bigla at mabilis na kinapa ang lamesa para kunin ang tubig.
"Oh! Inumin mo to traffic dance boy, este Abednego!"nag-offer naman siya kaagad ng tubig na nasa gilid ng bag niya pero may bawas na.
Kikiligin lalo ako neto, yari na. Pakiramdam ko, ang sosyal ng pangalan ko kapag siya ang nabanggit.
Umiling naman ako, pero kaagad niyang binuksan ang tubig niya at inilagay sa kamay ko. Ang init ng mga kamay niya, para akong kinuryente dahil ito ang unang beses na mahawakan niya ako at tawagin sa pangalan ko. Isang Axel Lars ang nagbanggit sa pangalan ko. Parang ang sarap magtago ng voice record sa pagbanggit niya sa pangalan ko.
Nilagok ko naman ang tubig niya, hindi na ako naging pabebe pa para tumanggi. Indirect kiss na ba ito dahil may bawas na ang tubig niya? Landi ko talaga.
"Sorry ha, pero teka, tama ba akong tungkol sa porn pinag-uusapan niyo?"nataas-baba pa ang kilay niya habang nagpipigil ng ngiti.
"Ah ano---"pinutol ko na ang sasabihin ni Kai.
"Siyempre hindi, tao ang pinag-uusapan namin dito hindi porn!"
Pinunasan ko naman ang ininuman kong parte gamit ang tissue at inabot ko sa kanya ang bottled water niya.
"Ganun ba? Sorry, napaghahalataan pa tuloy na may interes ako sa porn, tsk,"mahina niyang bulong.
"Eto, salamat sa patubig, kung gusto mo maglagay ako ng refill,"buti na lang hindi ako nautal.
"Wag na, sige mauuna na ako,"paalam niya bago tumalikod.
"Ibang klase talaga yang labs mo,"nagkatinginan ulit kami ni Kai.
Kung may CCTV lang sana dito sa canteen na ito, hihingiin ko sana yung footage na kinausap kami ni Axel. Sa tagal ko ba naman siyang kilala, yun lang ang first interaction namin. Hay lande ko talaga.
Napabulong na lang ako ng sana ol nang makita kong kumain si Axel kasama ang nililigawan niyang si Paulyn at ang mga kaibigan ni Pau na puro matatalino. Ang swerte naman niya, pero hindi ko mapigilang isipin na sana hindi maging sila, na mukhang imposible kasi ang isang Axel Lars ang gumawa ng first move, kung ako yan hindi ko na papakawalan pa. Nagkataon pang magaling din sumayaw si Paulyn, bukod sa matalino siya. Napabuntong-hininga na lang talaga ako dahil hopia na naman.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfic"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...