Tatlong araw na simula nang umalis si mama, at dalawang araw ding hindi pumasok si Axel. Ngayon lang ulit siya bumalik at hindi ko maiwasang ma-paranoid nang mapansin ang bahagyang pagpayat niya at napaka-cold na niya. Ang dami na niyang namiss na activities sa ibang subject at hindi ako mapakali sa tagal na hindi ko siya nakikita. Pakiramdam ko tuloy ilang buwan ko na siyang hindi nakikita.
Sa sulok lang siya umuupo at kahit sino ay hindi siya kayang lapitan o kausapin. Sinusubukan ko siyang tabihan sa loob ng classroom, pero maski ako ay hindi niya rin ako kinakausap. Nawalan tuloy ako ng gana kumain nang makita ko siyang kumakain nang mag-isa sa dulo ng canteen.
"Sigurado ka bang apat na crinkles lang tanghalian mo?"tanong ni Kai, habang umiinom ng Dutchmill orange. Bumili rin ako ng tatlong Dutchmill strawberry pero hindi ko ginagalaw.
Tumango lang ako, habang malamya na inuubos ang crinkles na nasa paper bag ng Julie's bakeshop. Nang maubos ko ito, ay nagligpit kaagad ako at nagpaalam.
"Pwede bang mamaya na lang ulit tayo magsama? Babantayan ko lang si Axel,"sabi ko sa kanya.
"Sige, see you sa classroom mamaya,"nakangiting sagot ni Kai.
Pumunta na kaagad ako sa kinauupuan ni Axel, at tumabi sa kanya. Napatingin ako sa kanya, pero laking gulat ko na lang nang padabog niyang bitawan ang kutsara niya at walang pasabing umalis sa canteen. Hindi ko mapigilang masaktan sa ginawa niya, siguradong galit din siya sa akin.
Tumayo ako at palihim siyang sinundan na mga dalawang metro ang layo ko sa kanya. Napatago ako sa gilid ng room nang makita kong nakasalubong siya sa gilid ng field si Paulyn na kasama pa si Renzo na nakaakbay sa kanya. Kumpara sa cold expression niya kanina, parang biglang lumambot si Axel.
"Pwede ba tayong mag-usap?"parang may halong pakikiusap ang tono ng boses ni Axel.
Binigyan lang siya ng malamig na tango ni Paulyn at si Renzo ay nanatili pa rin sa tabi ni Paulyn.
"Kung biro lang ito, please tumigil ka na. Papatawarin kita, kasi gusto kitang balikan mahal na mahal kita Paulyn. Mahal mo naman ako diba? Kaya pwede mona itong itigil, kakalimutan ko na lang na may nangyari sa inyo ni Renzo,"hindi ko maiwasang mabahala sa sinasabi niya.
Halatang sobra-sobra ang pagmamahal niya kay Paulyn at sobrang sakit rin dahil hindi ito masusuklian ng manlolokong si Paulyn. Nagpapakadesperado na siya sa sobrang pagmamahal niya kay Paulyn. Hindi ko naman inaasahang hinayaan ko lang siyang mapunta sa taong akala ko magpapasaya sa kanya nang sobra.
"Hanggang kailan mo bang balak magpakatanga? Kaya ka naloloko eh, hindi ka aasenso sa buhay mo kung ganyang uto-uto ka at tanga. Uulitin ko lang, ginamit lang kita, pinerahan lang kita, pinaasa lang kita at pinaikot lang kita para makuha ang gusto ko Axel! Noong simula pa lang wala nang tayo dahil ang totoo, wala akong interes sayo Axel Lars!"walang prenong sabi ni Paulyn.
Alam niyo kung babae ako at fangirl ako ni Axel, susugurin ko yang babaeng iyan at sasampalin! Kaso wala akong karapatang manakit ng babae kahit na gaano pa kasama ang ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...