"Nasa panganib ka at si Axel, at hindi natin alam kung anong gagawin nila,"pambabasag ni Kai sa katahimikan.
"Huwag mo akong isipin, sanay na ako sa magulong buhay. Si Axel ang inaalala ko, wala siyang kaalam-alam na sinasaksak na pala siya patalikod ng mga kaibigan niyang matagal na niyang kilala,"humangin nang bahagya at rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko.
"Alam kong delikado, pero kailangan nating dalasan ang pagsunod sa kanila nang pasikreto para makapaghanda tayo. Hindi na muna dapat ito malaman ni Axel, mas lalong gugulo ang plano nating pagligtas sa kanya kung malalaman niya kaagad ito,"mabuti na lang at hindi si Kai ang klase ng tao na magbibingi-bingihan para sa sariling kapakanan.
Mas lalaki ang tiyansiyang mailigtas namin si Axel, kung hindi na muna namin masasabi ang lahat.
"Ang alas na sinasabi ni Aiden, posibleng iset-up nila sa malaking gulo o problema si Axel para mapagbintangan siya sa kasalanang hindi niya ginawa,"nasabi ko ang nasa isipan ko.
"O di kaya pwedeng tao rin ang tinutukoy nila, may malapit na tao kay Axel na gagamitin nila laban sa kanila. Baka ikaw ang isa sa mga alas nila,"sabi naman ni Kai na halatang mallim ang iniisip.
"Bakit ganun, pakiramdam ko hindi lang ako, parang may ibang tao rin,"nagsimula na kaming maglakad palayo sa garden.
"Kailangan nating alamin kung sino iyon, kung tao man ang tinutukoy nila. Ang akala ko magigign boring ang senior life natin dito sa high school, mukhang hindi pala,"lumukso-lukso pa si Kai.
"Oo nga hindi boring, pero mukhang delikado naman. Mukhang mahal na mahal talaga nila Aiden at ng tropa ni Axel ang gulo,"napasimangot na lang ako.
Nagtaka kami nang makasalubong namin ang ibang estudyante na para bang pauwi na. Nakita namin sina Paulyn at Axel na nakatayo sa tapat ng classroom namin.
"Salamat talaga Abed! You're the best! Kami na ni Pau,"masayang wika ni Axel at ipinakita pa niya ang magkahawak nilang kamay ni Paulyn.
"Ang totoo niyan, nang payagan kitang manligaw iniisip ko na nun na boyfriend na kita kaya gusto kitang kasama madalas. Sinadya ko lang talagang sabihin ito sayo ngayon lang. Salamat Abed ha, nang dahil sayo nagkaroon din ako ng lakas ng loob na ikumpirma sa kanyang kami na,"nakangiting saad ni Paulyn.
Wow, magjowa na pala sila kaya kailangan ko na talagang burahin ang feelings ko sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang masaktan kahit naman wala silang kasalanan. Bakit ba kasi nagmahal pa ako sa taong hindi masusuklian ang feelings ko.
"Ayos yan! Congrats Axel, masaya ako para sa inyong dalawa!"ngumiti ako nang hindi umaabot sa mga mata ko. Patawarin niyo ako kung hindi ganun ka-sincere yung ngiti ko.
"Congrats! Stay strong kayong dalawa ha,"sabi naman ni Kai at nakipagfist-bump kay Axel.
"Di bale, susuportahan din kita kapag nakahanap ka rin ng taong mamahalin mo,"nakipag-apiran pa si Axel sa akin.
"By the way, half-day lang ngayon kaya nagsiuwian na yung mga estudyante,"sabi pa ni Paulyn at inakbayan siya ni Axel.
"Sige, aalis na kami ah, magdadate lang kami! Hinintay lang namin kayo para makapagpasalamat ako,"tumango lang kami ni Kai at naglakad na rin sila palabas ng school.
Masaya ako dahil nagawa ko ang plano ko at nagbati na silang dalawa. Dito rin naman hahantong ang panliligaw ni Axel at alam ko na hanggang friends lang kami. Pero bakit nasasaktan pa rin ako? Ganito ba kasakit ang magmahal?
"Kai, mauna ka nang umuwi may pupuntahan ako,"gusto ko munang mapag-isa dahil anytime ay maiiyak na naman ako.
"Ayos ka lang ba?"bago pa kami magkatinginan sa mata, tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya.
"Umuwi ka na,"sapat na ang lakas ng boses ko para marinig niya ako.
"Teka!"tumakbo na ako palayo para hindi ko na marinig pa ang boses ni Kai.
Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa makarating ako sa CR. Pumasok kaagad ako sa isang cubicle at saktong nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko. Bakit kailangan ko pang umiyak at malungkot kahit na alam ko na magiging sila na?
Kailangan kong makamove-on sa pang-iiwan at sa lahat ng ginawang kasalanan ni papa, nahihirapan na nga akong gawin iyon at madadagdagan pa iyon ng pagbura sa pagmamahal ko para kay Axel. Ang biological father ko na hindi ako tanggap at mas pinili ang ibang pamilya, at ang kaibigan kong walang kaalam-alam na may feelings ako sa kanya. Ang hirap-hirap, bakit kailangan kong pagdaanan ito?
Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak, kahit na nahihirapan na akong huminga. Kailangan paglabas ko sa CR na ito, wala na akong mailuluha pa. Nang tumigil na ang mga mata ko sa panunubig, lumabas na ako ng CR para maghilamos sa lababo nang makarinig ako ng malakas na sigaw.
"AH!"napatingin ako kay Cedric na padabog na sinipa ang trash can sa ilalim ng lababo.
Huli na ang lahat at nagkatinginan kaming dalawa bago ko pa naisipang magtago.
"Ikaw! Ikaw na naman!"sigaw niya sa akin.
Halatang namumula ang mga mata niya na hindi ko malaman kung dahil ba sa lungkot o galit.
"Ikaw na lang palagi ang naiisip ko! Ano bang meron sayo?!"hindi na ako makakibo sa sinabi niya. Bakit naman niya ako maiisip?
"Nakakainis!"hinablot niya ang uniform ko at isinandal niya ako sa pader.
Wala naman akong ginagawa pero bakit ganyan siya? Ganun ba kalala ang pagiging walang-kwenta kong tao?
"Sige, ilabas mo lang saken ng galit mo,"mahina kong wika na para bang hinahamon ko siya.
Siguro mas maliliwanagan din ako kung hahayaan ko lang siyang sabihin lahat ng gusto niyang sabihin sa akin, kahit na saktan pa niya ako na tila kapalaran ko ring tiisin lahat ng iyon.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...