[37th CHAPTER]: Unexpected

57 4 6
                                    

"Ayan tapos ko nang kuhaan ng picture, tulo laway pa pft!"

"Ayos yan Kai! Iba din talaga to matulog, humihilik pa!"

"Kapag ako nadamay yari ka talaga sakin,"

"Shh! Siyempre Kai, I got you!"


Naalimpungatan ako nang makarinig ng parang mga nagbubulungang bubuyog. Natulog na lang ulit ako nang makaramdam na parang may kumikiliti sa mukha ko, ang sarap. Ang akala ko makakatulog ulit ako pero napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas nilang tawanan.


"Pinag-uusapan niyo ba ako?"bungad ko sa kanila kahit na ang pangit ng boses ko kapag bagong gising.


Napasipol lang ang dalawa habang nagpipigil ng tawa. Mas nauna pang nagising ang dalawa, siguro may kalokohan na namang ginawa. Tinupi ko ang kumot at naglakad papuntang banyo para maghilamos.


"Anak ng!"pagkabukas ko ng ilaw, nagulat ako sa itsura ko sa harap ng salamin.


Puro drawing ang mukha ko gamit ang marker. Kung sino man naglagay nito, ang galing talaga sa kalokohan. Napalabas kaagad ako ng banyo nang marinig ang tawanan nilang dalawa.


"Nakakita ka ba ng maligno sa salamin ha Abed?"nagtaas ng isang marker si Axel, na parang iyon ang ginamit sa akin.


Ano? Ang gwapo ko tapos sasabihan niya lang akong maligno? Gago talaga!


"Binaboy niyo mukha ko, paanong hindi magmumukhang ewan?!"pabalang kong sagot.


"Oops, taga-picture lang ako nang gawing sketchpad ni Axel ang mukha mo,"depensa naman ni Kai.


"Ganti ko lang yan sa ginawa mo kagabi nang makatulog ako, yun nga lang mas masaya itong ginawa ko,"iba talaga siya kapag gumagawa ng kalokohan.


"Walangya ka Axel! Hindi kita makakalabas ng bahay kapag hindi washable marker ang ginamit mo!"


"Karo for rent, kabaong for sale"sumipol pa si Kai habang natatawang nakatingin sa amin.


"Ikaw ha! Ako ang bestfriend mo pero sumama ka pa sa kalokohan nitong si doggie!"tinuro ko pa si Kai.


"Sorna,"nag-pout lang siya.


"Doggie ba kamo? Baka gusto mo ng kiliti?"bago pa makalapit si Axel ay dali-dali akong pumasok sa banyo.


Pasalamat talaga si Axel dahil nabura sa paghihilamos ko yung marker na ginamit niya. Sakto namang kakain na kami ng almusal kaya wala nang part 2 ang asaran namin. Sana talaga may pumasok sa utak ko, para hindi lang napunta sa wala ang overnight namin kuno para mag-aral.


~~~(fast-forward)


"Kinakabahan ako! Sana makapasa man lang ako!"sabi ko habang nakikinig sa annoucement ni Sir sa bigayan ng exam results sa subject niya.


Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon