[23rd CHAPTER]: Bond

61 5 2
                                    

"Tapos na akong gumawa, sigurado ko bang hindi ko na kailangang pumunta diyan?"nangulit pala si Kai kay Axel na makipag-video chat sa amin sa cellphone ni Axel.


"Oo, wag ka nang mag-alala tsaka sorry na kung ikaw lang gumawa mag-isa pakiramdam ko tuloy irresponsable kami,"sagot ko.


Nakaupo ako sa kama at tumabi sa akin si Axel. Bumuti-buti na ang pakiramdam ko, ayun nga lang halata ang pamamaga ng mata ko at namumula ang ilong ko.


"Kahit ngayon lang, wag mo muna akong isipin. Ano ba kayo, isang part lang naman ginawa ko. Nga pala, kitakits sa bahay niyo mamaya Abed,"ipinakita niya ang isang back pack niya na may lamang damit at kung anu-anong pagkain.


"May lakad ka ba ngayon boi?"tanong ni Axel.


"Nagpaalam ako sa mama mo kanina Abed na makikitulog ako sa inyo. Para hindi ka malungkot kasi kakaalis lang ng kuya mo at para makausap kita tungkol sa nangyari kanina. Nang sa ganun, hindi na rin mag-alala ang mama mo dahil willing akong alagaan ka habang may lagnat ka pa,"ngumiti pa siya nang malawak.


"Pwede bang sumama?"napalingon ako kay Axel sa gulat.


"Bawal! Ano ka ba, wag mong iwanang mag-isa ang mama mo diyan sa bahay niyo! Next time ka na lang sumama, nakasama mo na nga maghapon yang si Abed eh,"binelatan pa ni Kai si Axel.


"May punto siya Axel, mas kailangan ka ng mama mo at nakaistorbo ako sa inyo kaya nakakahiya kung aalis ka pa,"dagdag ko pa.


Padabog na inabot ni Axel ang cellphone niya sa akin. Kumunot ang noo niya at nanliit ang mga mata niya habang naka-cross arms na parang nagtatampong bata.


"Kayong dalawa na lang mag-usap, bahala kayo psh!"sabi niya pa.


"HAHAHAHA ikaw naman! Matampuhin ka pala! Pinapatawa mo ako nang sobra!"parang naka full volume ang lakas ng boses ni Kai.


"May next time pa naman eh,"pagsusungit ko naman sa kanya habang sinundot siya sa tagiliran.


Nawala na rin ang pagkunot ng noo niya at muling hinawakan ang phone niya.


"Sabi mo yan ha, kapag hindi niyo ako sinama sa sunod pag-uuntugin ko kayong dalawa,"natawa ako nang mahina.


"Oo na! By the way, pupunta na ako sa inyo ha Abed!"parang feel at home na talaga siya sa amin minsan.


"Sige na, ingat!"ibinaba na ni Axel ang tawag.


"Ikaw naman, ihahatid na kita,"tumayo na siya sa kama.


Saktong bumukas ang pintuan ng kwarto niya at pumasok ang mama niya.


"Buti na lang at natuyo kaagad yung nilabhan kong damit mo kanina,"nakangiting wika ng mama niya.


Ano, nilabhan niya ang damit ko? Hala, another kahihiyan na naman.


Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon