[17th CHAPTER]: Drunk

79 4 2
                                    

"Happy birthday to you!"ang lahat ay nakikisabay sa pagbati sa kanya.


Halos lahat ng tao ay naglabas ng cellphone upang kumuha ng video at ng picture si Axel habang binabati ng lahat. Hindi ko rin napigilang kuhanan siya ng stolen pictures na nakangiti habang kumikinang ang mga mata niya at ang pag-ihip niya sa mga birthday candles. Masaya akong makita siya na ganyan kasaya, sana ganyan siya palagi at hindi mawala sa kanya lahat ng pinahahalagahan niya para makita ko pa ang mga ngiti niya sa mga susunod na pagkakataon.


Eto na nga ang pinakahihintay ko, nagsikainan na ang lahat at tanging mga tugtog lang galing sa malalaking speakers ang naririnig ko. Sakto hindi na ako maghahapunan kasi mabubusog na ako dito. Isang plato na may kanin at ulam, at isa pang plato para sa carbonara at cake. Mukha akong patay-gutom dito pero mabuti na lang at hindi lang ako nag-iisa. Pabalik-balik pa nga ang iba lalo na ang mga tropa ni Axel. Tahimik kaming kumakain ni Kai, pagkain lang pala ang pagpapatahimik sa mga tao.


Napapikit ako nang may mag-flash mismo sa pagmumukha ko. Tinignan ko ang taong may hawak na cellphone na malawak ang ngiti.


"May picture ka na din saken!"pinakita pa ni Axel ang stolen picture ko na nakaumbok ang pisngi dahil puno ng pagkain ang bibig ko.


"Ikaw ha, nakakarami ka na saken!"hindi ko na siya kinulit pang I-delete ako dahil matino naman ang mukha ko kahit na mukha akong rabbit na namamaga ang mukha sa laki ng pisngi.


Kinuha ko ang tubig at nilagok ito para malunok kaagad lahat ng nasa bibig ko bago pa ako mabulunan sa burnok na ito.


"Nga pala, ito oh regalo, happy birthday ah,"kinuha ni Kai sa bag niya ang regalo niyang nakalagay sa paper bag.


Inilabas ko na rin ang akin at binati ko rin siya nang happy birthday.


"Salamat sa inyo ha, picture naman tayo!"pumagitna kaagad siya sa amin at gamit ang front cam ng cellphone niya, may picture na kaming tatlo na magkakasama.


Dinamihan pa ng loko ang pagclick at maya-maya ay silang dalawa naman ni Kai ang nag-selfie. Maya-maya ay sumisksik na siya sa akin at ako naman ang kasama niya sa picture. Ginandahan ko na ang ngiti ko siyempre ako pa ba.


"Pasend sa gmail ko ha, chat kita mamaya,"sabi ni Kai.


"Sige!"nagthumbs-up pa si Axel.


"Ipasa mo rin saken Kai kapag nasend na niya,"pagsabi ko rin.


Tumango si Kai at nagpaalam si Axel na ipapasok lang niya sa loob ang regalo. Kumain na rin siya kasama si Paulyn pagkabalik niya.


"Ayos! May instant picture ka na kasama siya! Ipa-tarpaulin mo na kung gusto mo,"natatawang wika ni Kai.


"Agik!"sabi ko sa kanya.


Napatahimik ako nang lumapit sa amin ang isa sa mga tropa ni Axel.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon