[12th CHAPTER]: Surprise

64 5 1
                                    

Sabado na ngayon at ngayon na naming napagpasiyahang bumili ng regalo para kay burnok. Mabuti na lang at may ipon kaming dalawa kaya hindi namin pinoproblema ang pambili, nahihirapan lang talaga kaming pumili.


"Kung pwede lang, free premium membership sa porn hub na lang ang iregalo natin sa kanya eh,"bulong ni Kai habang umiikot sa mall.


Nagpigil ako ng tawa sa sinabi niya.


"Pasok tayo doon, may nakita na ako,"buti pa si Kai, mukhang may naisip na.


Dinampot niya kaagad sa loob ng store ang isang black cap with ring na nakikita kong suot ng ibang sikat na Kpop idols. Astigin naman si Axel kaya babagay sa kanya ang biniling cap ni Kai na binayaran niya na kaagad sa cashier.


Ako na lang ang hindi pa sigurado kaya nag-ikot-ikot pa kami. Kung pwede lang na pagkain na lang, baka nakapili na ako kanina pa kaso nakakahiya namang magregalo ng hindi niya magagamit. Hanggang sa mapatigil ako sa isang jewelry shop na may malaking poster sa bintana. Ang 18 karat na kwintas na dating 3,499 ay mabibili na lang sa halagang 499.


Hindi ko mapigilang mapatitig sa disenyo ng kwintas na nag-sale, parang ibon ang pendant nito at nang titigan ko ito, na-realize kong isa itong phoenix, na sumisimbolo sa pagiging matatag. Sa kabila ng paglubog ng araw, babangon at babangon pa ito sa susunod na araw. May katabi pang kandado ang phoenix na pendant.


Pumasok kami sa loob at hindi ko napigilang magtanong sa sales lady.


"Bakit po ang laki ng ibinaba ng presyo?"diretso kong tanong.


"Anniversary po ng store namin Sir kaya malaki ang naging sale namin,"nakangiting sagot ng babae.


Papatusin ko na ito, maganda naman siya at hindi na ako lugi sa presyo, kahit na 700 pesos lang ang budget ko.


"Bibili po ako ng isa,"itinuro ko ang kwintas na nagustuhan ko at sumunod ako sa sales lady na pumunta sa counter.


"Ano pong gusto niyong kulay ng kahon Sir?"tanong niya.


"Blue po,"magalang kong sagot at naglabas na ng pambayad.


"Dinaig mo pa ata yung special someone ng birthday boy ng dahil sa regalo mong may sentiment,"pang-aasar ni Kai nang makalabas na ako, bitbit ang nakakahong kuwintas na nakalagay sa maliit na pouch na may logo ng jewelry store.


"Agik!"siniko ko siya nang mahina at itinago na sa bag ang binili ko.


Nagkayayaan naman kaming kumain sa Jollibee, buti na lang at binigyan ako ni mama ng 400 pandagdag sa ipon ko at pang-kain ko na rin dito.


"Nga pala, kailangan na nating simulan yung case study. Kahit intro wala pa tayong nagagawa,"sabi ni Kai habang sinisimulan na naming kainin yung chickenjoy.


"Sa tingin mo, kanya-kanyang gawa o magkakasama dapat tayo?"


Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon