[28th CHAPTER]: Go with the flow

53 3 3
                                    

Pigilan niyo ako, naggigigil ako. Oo willing ako magpanggap ng jowa mo pero kahit bakla ako, hindi ako nag-aayos babae at lalong wala akong planong mag-cross dress.


"Kanina mo pa ako hinahigh-blood Axel jusko,"namomroblema kong sagot habang nagpipigil ng inis.


"Hindi pa pwedeng manghatak ka na lang ng ibang babae?"sabi ko pa.


"Ayoko, nakakahiya lalo na kung hindi ako tatantanan ng babae sa future dahil makamandag ako. Ayoko namang isipin ni Paulyn na lumalandi ako sa ibang babae,"sagot niya.


"Sige na please, hindi ko magagawa ang plano ko nang hindi nabibili iyon, please lang Abed,"halatang pursigido siya at nagseseryoso na siya, bukod sa puppy eyes niya.


"Sige na nga,"napabuntong-hininga na lang ako, siyempre kailangan ko siyang matulungan. Mahirap na baka mapasok na naman siya sa gulo sa oras na matapat siya sa babaeng masama ang ugali.


"Yeheeey!"umangkla siya sa braso ko at hinatak ako papasok sa isang store na nagtitinda ng wig at mga magagandang damit.


Napatulala na lang ako sa kilig nang tignan ko ang braso niyang nakapulupot sa akin. Kung hindi lang siguro ako marunong magtago ng feelings at ng kilig, matagal na akong nangisay sa kilig.


Dinampot niya ang isang brown wig na may buhok na aabot sa dibdib ko. Pumunta naman siya sa mga dress na nakadisplay at namili. Siya siguro ang may alam kung ano ang babagay sa akin, dahil wala naman akong alam sa mga ganito.


Itinapat niya sa akin ang isang simpleng Lolita dress na longsleeves, at lagpas tuhod na kulay puti ang panloob at kulay purple naman ang pambaba na palobo. Sakto at hindi ko na kailangang mag-alala dahil hindi nila mahahalata ang braso at binti kong panlalaki.


"Mag kabog ka pa sa mga tunay na babae kapag suot mo to. Teka, nakalimutan natin ang fake boobs mo,"kumuha naman siya ng medyo malaking bra at foam.


Trip niya ba ang mga babaeng may kalakihan ang boobs?


"Tara, dun ka na sa kotse magbihis para hindi nakakahiya na lalaki ka pagpasok at biglang babae na paglabas,"nabayaran na niya kaagad ang mga pinamili. Sayang naman yung perang nagastos niya at wala namang magmamay-ari nun pagkatapos kong gamitin.


Dumiretso kami sa parking lot at pumasok na sa kotse niya.


"Yan, magpalit ka na at aayusan pa kita sisteret,"pinatinis pa niya ang boses niya at napatampal na lang ako sa noo ko.


Mas bakla ka pa ata sa akin eh, joke lang.


Hinubad ko na ang pantalon at ang shirt na maayos kong tinupi at nilapag sa upuan. Isinuot ko na ang Lolita dress at parang nagtaasan ang mga balahibo ko dahil hindi ako komportable sa tela at mainit sa balat. Siyempre hindi ako nakakasuot nang ganito, ang hirap pala maging babae.


"Malulusaw na ata ako bago pa tayo makabalik,"reklamo ko habang inaayos ang pagkakasuot ng dress at ng malaki kong dibdib.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon