(A.N: Humihinga pa naman ako TXT waaaahh jusq yung MV ung Puma ^o^ )
-------(after 2 years)
"Uhm, kayo po ba si Abednego ng BSE2-Engl1 (Bachelor of Secondary Education major in English)?"napatigil ako nang may humarang sa aking babae na nakalugay ang mahabang buhok.
"Yes miss, why?"magalang kong tanong sa kanya.
"Gusto po kasi kita, sana po tanggapin niyo po itong cheesecake na ginawa ko para sayo!"inabot niya sa akin ang isang tupperware at namumula ang mukha niya.
"Sorry, hindi ko alam kung matatanggap ko iyan kasi may boyfriend na ako,"halata ang gulat sa mukha niya.
"So, bakla po kayo? Nasaan po yung boyfriend niyo?"napangiti ako dahil halatang hindi niya ako hinusgahan sa sexuality ko.
"Nag-aaral siya sa malayong lugar,"pingilan kong ipakita sa kanya na nalungkot ako nang kaunti.
"Sige po tanggapin niyo na lang po ito, stay strong and happy lang po kayo ng boyfriend niyo. Salamat po sa pagsasabi ng totoo,"hindi na siya makatingin sa mga mata ko.
"Sorry ulit,"sabi ko sa kanya, bago siya umalis.
Wala naman akong masyadong close friends sa mga ka-blockmate ko at minsan lang kami magkita-kita nila Kai. Accountancy ang course ni Cedric, at magkasama naman sa Psychology sila Aiden at Kai na magkaklase pa rin hanggang ngayon. Pangarap ko kasing maging English teacher kaya nandito ako sa College of Education.
Dahil sa pagiging abala, ang bonding na lang naming apat kadalasan ay kapag nagkakasama kami sa sinalihan naming organization dito sa university, ang Musikeros. Lahat naman kami ay may interes sa music kaya hindi na kami nag-alangan pang sumali dito kumpara noong high school na wala man lang akong sinalihan kahit isa. Vocalist kaming lahat, pero isa si Aiden sa mga main vocalist bukod sa seniors namin, samantalang sila Cedric at Kai ay tumutugtog ng instrument, bukod sa pagkanta.
May event ngayon sa university, kaya magkakasama kaming apat para tumugtog. Minsan naman yung co-members namin ang nagbabanda dito, pero most of the time kami ang pinapatugtog at pinapakanta dahil daw in-demand kami at mas malaki ang kita kung papayag daw kami sa mga requests. Ang hirap nang ganito, samantalang yung tatlo ay enjoy na enjoy ang pagiging heartthrob nila.
"Ikaw na daw ang kakanta sabi ni kuya Gerald,"sabi ni Kai pagdating ko sa booth ng org namin. Vanilla twilight by Owl City ang ni-request na kanta at may pinababasa pa sa aking shout-out.
Uminom ako ng tubig, bago lumabas at hinawakan ko saglit ang kwintas na suot ko para mawala ang kaba sa dibdib ko. Nakaset-up na doon ang mga instruments at handa na ang lahat ng kasama ko ngayon sa stage.
"Ang sabi ng pangalawang na nag-request, ang kantang ito ay para sa mga taong nagmamahalan kahit na magkalayo ng distansya. Hindi man nila madama ang init ng bawat yakap at ng magkahawak na kamay, wala pa ring makakapagpalayo sa pusong iisa lang ang sinisigaw at minamahal,"hindi ko maiwasang maapektuhan dahil nakaka-relate ako sa sinulat nitong nag-request. Nagtilian ang mga tao at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sinisigaw nila ang pangalan ko. Napalunok ako at tinalasan ang pandinig ko, upang hindi ako mawala sa tono ng kakantahin ko.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfikce"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...