[31st CHAPTER]: Trouble

58 5 2
                                    

"Dalawang chocolate chip ice cream po,"nagpahatak lang ako nang dalhin ako ni Kai sa bilihan ng ice cream dito sa canteen.


Kakatapos lang namin magkanin, tapos siya naman ay nilibre pa ako ng ice cream. Halatang ginagawa niya ang lahat para mapagaan ang loob ko. Nakokonsensiya ako na baka may pinagdaanan siya pero nasama pa ako sa mga iniisip niya.


Hindi na nalaman pa nila mama, Axel, at kuya na nandoon ako kahapon. Laking pasasalamat ko na sinabi iyon sa akin ni Kai, at nang damayan niya ako sa mga oras ng pamamaalam sa taong kamukha ko, sa taong responsable sa pagkasilang ko, si papa.


Pasukan na naman ngayong Lunes, at may plano rin akong gawin sa araw na ito. Hinihintay ko lang na matapos kumain si Axel, at si Paulyn na hindi pa rin nagkikibuan at hindi rin magkasamang nananghalian. Sinabihan ko si Paulyn kanina bago maglunch na pumunta sa loob ng music room, mamayang 1pm. Ang music room lang ang tahimik na lugar kung saan ko gustong magkausap at magkabati sila ni Axel.


Nagtext na ako kay Axel para sa pangalawa kong hakbang na kunwari ay kakausapin ko siya mamayang 1:02 pm. Alam ko naman nang dala-dala na niya yung mga pinamili niya, hindi lang niya alam kung paano siya makakatiyempong kausapin si Paulyn kaya ako na ang gagawa ng paraan.


Inubos ko kaagad ang ice cream ko nang makita kong tumayo na si Paulyn.


"Aalis lang ako saglit, may gagawin lang ako,"sabi ko kay Kai habang isinukbit ang bag sa likod ko.


"Sigurado kang hindi mo na kailangan ng kasama?"tinaasan niya ako ng kilay.


"Oo,"matipid kong sagot.


"Sige, basta kapag matagal kang nawala, hahanapin kita,"tinanguan ko lang siya at nagmadali na ako nang makitang napatayo na rin si Axel mula sa kinakainan niya.


Tumakbo ako papuntang music room, sa ibang daan ako tumahak para hindi ko makasalubong ang nauna nang si Paulyn. Nagtago ako sa isang puno na pinakamalapit sa music room.


"Abed?"pagtawag niya sa napakatahimik na silid.


Nakita ko naman nang papasok si Axel, kaya nag-iwan na ako sa kanya ng isang text message.

Doggie Axel

09** **** ***

Gawin mo na ang dapat mong gawin, perfect spot yang music room para bigyan kayong dalawa ng privacy. Kausapin mo na siya, goodluck ;)


Binuksan niya ang phone niya, bago siya pumasok.


"Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Abed?"narinig kong wika ni Pau.


"Kakatext niya lang, sinet-up niya tayong dalawa. Hindi ko kakayanin pa kapag nagtagal pa itong pag-iwas mo. Nandito ako para mag-sorry sayo Paulyn, sana pakinggan mo ako,"umalis na ako at pinili nang huwag pakinggan ang magiging usapan nila para sa privacy niya.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon