[53rd CHAPTER]: The truth untold

67 5 5
                                    

(A.N: Special ang part na ito kaya sorry na agad sa mga mali ahahah xD)

--------------------

Mayroong decoration sa room namin para sa spoken poetry na ito at may microphone din na may stand sa gitna. Nagpresent na ang iba naming kaklase at hindi maiwasan ng iba na mapaluha, lalo na dahil karamihan sa mga content ng spoken poetry nila ay tungkol sa mga magulang nila at iba pang karanasan.


Pinakalma ko ang sarili ko habang naglalakad sa unahan. Ako na ang magsasalita at hindi ko maiwasang kabahan sa magigign reaksyon nila. Lumunok muna ako bago magsalita sa mikropono na inadjust ko na ang stand para naman hindi ko na kailangang yumuko para lang maabot ang mic hahahaha.


"Magandang umaga, gusto kong gamitin ang pagkakataong ito para sabihin kung sino talaga ako dahil umaasa akong mapapalaya ko ang sarili ko sa oras na ipagsigawan ko sa lipunan kung ano ang totoo,"ang tahimik nilang lahat halatang nakikinig talaga sila, kaya ko ito!


Sinimulan ko nang sabihin ang lahat ng tungkol sa pagkatao ko sa malikhaing paraan. Gumamit ako ng figures of speech para naman maging matalinhaga. Nasa huling parte na ako ng aking isinulat at tumigil ako ng mga ilang segundo para humugot ng lakas ng loob na tignan sila sa mga mata.


"Hindi ko na kakayanin pang ikulong ang sarili ko sa mga pagdududa at panghuhusga. I'm gay, I love a man, and I'm okay with that,"tinignan ko silang lahat nang seryoso. Hinayaan ko lang na mag-react yung iba, alam kong hindi nila maiiwasan iyon.


Nag-bow na ako at nang bumalik ako sa kinauupuan ko, nagulat ako nang mapatayo si Sir Rodriguez. Pumalakpak siya at sumabay sa kanya ang mga kaklase ko. Hindi ko napigilang ngumit dahil ang mga tingin nila sa akin ay halatang may respeto, at nakita ko ang napakatamis na ngiti nila Kai at Axel na parang proud sila sa pagcome-out ko.


Lumuwag ang pakiramdam ko, dahil hindi na ako madadala ng mga pananakot nila Ren tungkol sa pagiging bakla ko. Iniisip ko rin kung ang ngiti ni Axel ay nangangahulugang tanggap niya ako.


Nang si Kai naman ang magpresent, hindi ko mapigilang mapaluha dahil nangingibabaw ang pangungulila niya sa sinulat niya. Yung lahat ng hinanakit niya sa papa niya, sinabi niya.


"Sa kabila ng lahat ng naranasan ko, I learned a lot about the real meaning of family. It's not blood that makes you family, it's love. A real family does not always come from your blood. It is the people standing beside you when no one else is."nagpalakpakan kami dahil tapos na siya, tumingin pa siya sa akin nung sabihin niya yung last sentence huhu naluluha ako lalo nito eh.


Umangkla ako sa kanya habang nakikinig kami sa iba naming kaklase, at napansin kong binaback-stab si Paulyn nang karamihan sa mga kaklase dahil alam na pala ng buong school yung nangyari. Ang trato na sa kanya ni Axel ay parang hindi na sila magkakilala. Speaking of Axel, siya na nga pala ang magsasalita.


"Katulad ng aking kaibigan na si Abed, may aaminin din ako sa lahat para linawin ang sarili ko sa lahat,"napakagat siya sa labi niya na halatang may nerbiyos pa rin siyang nararamdaman.


Pinakinggan ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya para hindi ako maguluhan sa sasabihin niya.


"I kept questioning myself about everything when my heart started beating for a guy when I was in seventh grade, who turns out to be my first love. Years later, I found myself liking both him and a girl. I am in denial at that time that's why I've chosen to love a girl, hoping that my feelings for him will eventually fade. However, choosing her became my greatest downfall,"alam ko na kaagad na si Paulyn ang tinutukoy niya.


"It's my fault for being not true to myself, it's my fault for not thinking properly, it's my fault for letting myself fall into their trap. That's when my first love became my savior, at pinagsisisihan kong hindi ko siya pinili. He held me tightly when I'm about to lose myself, he held my hand when I'm about to fall. He's my utopia, he is the reason why I'm still standing in front of you when I attempted to kill myself,"halatang nagulat ang iba nang sabihin niyang muntik na siyang mag-suicide, maging ako ay nagulat naman tungkol sa first love niya. Ako ang nagligtas sa kanya, ako ang first love na tinutukoy niya? May iba pa naman siguro siyang kaibigan noh baka assuming lang ako.


"That's why, I'm willing to embrace who I really am now. I am bisexual,"halatang sobra ang pagkagulat ng mga kaklase namin, lalo na yung mga babaeng crush siya.


Pumalakpak ang lahat at bumalik siya sa kinauupuan niya nang buong tapang na nakaangat ang mukha. Kaya pala sabi niya hindi daw sia 100% straight, jusme ang akala ko joke lang niya yun.


"Pareho pa kayong nagladlad ngayon, kayo na ata ang 'ladlad couple' at sisiguraduhin kong ako ang president ng fan club niyo! Halata naman sa sinabi niyang ikaw yung first love niya eh!"hindi ko maiwasang kurutin si Kai dahil baka may ibang makarinig.


"Ano ka ba, ang hirap mag-assume! Malay mo may special friend pa siyang tinutukoy! Imposible namang magustuhan niya ako noh!"bulong ko sa kanya.


"Ibang klase ka talaga mag-isip! Kung hindi lang ako straight baka pinatulan na kita at inagaw sa kanya!"pinigilan ko ang sarili ko na tumawa at kinurot ko na lang ulit siya.


Natapos ang spoken poetry ng section, at aminado akong mas nakilala ko pa ang mga kaklase ko dahil dito. May mga nagkabati, may mga naging bagong magkaibigan, at mga nag-iiyakan. Si Axel naman ngayon ay katabi ang childhood friend niyang lumuluha na si Aiden. Nag-sorry siya ng harap-harapan sa akin, at nabanggit na rin niya sa lahat ang kuwento kung bakit ayaw niya noon sa mga bakla. Panigurado namang alam na alam rin ni Cedric ang kwento kung bakit nagkaganito siya kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ayaw niyang iwanan si Aiden. Ngayon, naiintindihan ko na siya maging ang iba naming kaklase.


"Eto nga oh tissue, bakit ba kasi ayaw mo pang tanggapin?"pangungulit ni Axel sa kanya.


"Tumigil ka nga! Aasarin mo lang ako eh!"sagot naman ni Aiden habang tinatakpan ang mukha.


"Sige ka luluwa yang mata mo kapag hindi mo pa pinunasan yan ng tissue!"tumingin ako sa malayo para hindi nila mahalatang nakikinig ako sa kanila.


"Tumahimik ka diyan burnok baka gusto mong boksingin kita!"padabog na kinuha ni Aiden ang tissue.


"Welcome back, laki mata!"imbes na patahanin eto talaga inaasar pa niya. Mas matagal na nilang kilala ang isa't-isa kaya hindi na ako nagtataka kung bakit may tawagan silang dalawa.


Nang matapos ang araw na ito, never naming napag-usapan yung spoken poetry namin na parang iniiwasan ni Axel ang topic na iyon. Sakto namang november na bukas kaya ilang araw ding walang pasok. Susubukan kong wag munang mag-isip masyado tungkol sa first love ni Axel.

.

.

.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon