[8th CHAPTER]: Help

69 6 1
                                    

September 2 na at halos ilang linggo na rin akong palihim na natagu-taguan ng feelings kay Axel. Mabuti na lang at busy na siya kay Paulyn kaya hindi na nadadagdagan pa ang dahilan ko para kiligin ako sa mga actions niya sa akin. Sakto namang absent siya ngayong araw nakapagpasa kami ni Kai ng topic proposal nang hindi siya kasama.


Sa group chat lang kami nag-usap tungkol sa mga topic na inimungkahi niya at nagpaalam lang siya na hindi siya makakasama sa pagpasa dahil nilagnat siya. Si Sir tuloy muna ang naging partner ni Paulyn kanina sa practice na ipepresent na next week.


Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil hindi na ako binabagabag ni Aiden, tinitignan na lang niya ako nang makahulugan. Pwedeng senyales rin ang pananahimik na iyon sa pagpaplano niya nang masama kaya kailangan ko pa ring mag-ingat. O di kaya nagsawa na siyang manggulo. Hindi talaga ako makakagraduate dito nang hindi siya naaaway at hindi nalalagay sa gulo. Ang bait kong tao para magkaroon ng kaaway na hindi malaman kung ano ang ayaw at kinagagalit niya sa akin.


Ibinalik na sa amin ni Maam Annie ang papel na pinasa namin ni Kai. May comments na nakasulat gamit ang red ballpen at may binilugan siyang 3 out of 10 topics na accepted sa kanya. 45 minutes ang nakonsumo niyang oras sa pagchecheck ng topic naming lahat at dinismiss niya kami nang maaga. 3:45 pa lang kaya napagpasiyahan namin ni Kai na umupo sa damuhan ng oval habang kumakain ng tinapay at soft drinks.


"Alam mo, sa tingin ko hindi magandang iwasan mo si Axel. Nararamdaman kong nakakahalata siya at hindi na siya naglakas-loob pang kuwestiyunin ka kasi nirerespeto niya ang privacy at desisyon mo,"sinimulan ni Kai ang pagsasalita.


"Hindi rin masaya sa pakiramdam itong ginagawa ko kasi baka napaparamdam kong may nagawa siyang mali,"nalunok ko na lang ang tinapay na ningunguya ko.


"Pwede mo namang unti-unting alisin ang feelings mo sa kanya habang magkaibigan kayo. Magandang ending na rin yun kasi kahit hindi kayo ang itinadhana, at least may magandang ugnayan kayong dalawa,"may sense talagang kausap itong si Kai.


"Sige, at tsaka ko na aaminin sa kanyang nagkagusto ako sa kanya, once na matanggal ko na lahat ng feelings ko. Para wala na akong tinatago sa kanya,"nakipagfist-bump sa akin si Kai.


"Salamat ha, walang nagbago sa samahan natin kahit na bakla ako,"napatingin ako sa malayo.


"Siyempre, hindi naman nakakasakit at kasalanan ang pagiging bakla o ang pagiging iba sa paningin ng mundo at ng mga tao,"napangiti ako sa reply niya.


"Teka, si Axel ba yun?"napatingin ako sa kanya nang may ituro siya.


May lalaking natakbo pero hindi naman ganun kabilis na parang lantang gulay na kulang na lang ay kaladkarin ang paa at maging zombie. Parang hindi mapakali ang mga mata niyang may bahid ng pag-aalala. Si Axel nga na nilalagnat pero pumunta pa rin sa school ang taong itinuro niya. Suot niya ang uniporme kahit wala naman siyang pinasukang klase, siguro para makapasok dito.


Napatayo kaagad kami at inilagay ko na lang sa bag ko ang tirang tinapay sa supot kasama ang plastic bottle ng iniinom kong coke. Nakita naman niya kaming naglalakad palapit sa kanya.


"Anong ginagawa mo dito sa ganyang estado mo?"si Kai na ang unang nagsalita at sinabayan na namin siya sa pagtakbo niya na papunta sa MAPEH department.


"S-si Paulyn,"halata ang hingal sa boses niya at namumutla ang buong mukha niya.


"Tumawag siya sa akin at humingi siya ng tulong,"nanlaki ang mga mata namin ni Kai.


Kaya naman pala, kahit may sakit siya ay handa siyang bumulusok papunta dito dahil mahal niya talaga si Paulyn. Hindi ko na siya sesermunan pa sa naging desisyon niya dahil naiintindihan ko siya. Kahit naman ako noh, kapag may nanakit sa kanya, gugulpihin ko lahat ng mananakit sa kanya kahit na may sakit ako.


Sinundan namin siya at naabutan namin ang dalawang estudyanteng lalaki na nasa harapan ni Paulyn. Hawak-hawak na siya ng dalawang lalaki na pinapaulanan siya ng halik sa iba't-ibang parte ng katawan niya. Kita ko kung paano nanlisik ang mga mata ni Axel at parang naging si Flash ang bilis ng pagtakbo niya. Rinig namin ang paghikbi ni Paulyn na halos mapunit na ang uniporme.


Nakita kaagad kami ng dalawang lalaki at akala ko ay makikipag-away sila sa amin. Tumakbo nang napakabilis ang dalawa na para bang napaghandaan nilang tumakbo paalis kung sakaling may makahuli sa kanila. Hindi na sila naabutan pa ni Axel nang mapaluhod siya sa tapat ni Paulyn.


"Ako na ang hahabol sa dalawang yun! Ikaw na ang bahala sa kanilang dalawa, kikitain ko na lang kayo mamaya,"pagpresenta ni Kai.


Hindi na ako nakatutol pa dahil binilisan niya ang pagtakbo.


Kahit na nanghihina, nilapitan pa rin ni Axel ang humahagulgol at nakaluhod na si Paulyn at inispekyon niya kung may sugat ba si Paulyn at napanatag ako nang walang makitang sugat sa katawan niya.


"Patawarin mo ako kung nahuli ako, pagbabayaran nila yung ginawa nila sayo pinapangako ko yan,"niyakap niya nang mahigpit si Paulyn.


"Sorry, hindi dapat kita inistorbo eh may sakit ka, sorry kung ikaw ang una kong natawagan. Pakiusap, wag mo na silang pakialaman dahil masasangkot ka pa sa gulo,"hindi ko maiwasang mapakunot ang noo sa sinabi niya.


Si Axel ba ang number one na naisipan niyang hingian ng tulong kahit na nasa bahay pa ito at kokonsumo pa ng ilang minuto bago siya mailigtas? Sana yung nasa school na lang yung tinawagan niya. Mali ba ako sa iniisip ko?


"Wag kang matakot, dapat nilang pagbayaran ang ginawa nila sayo dahil sila ang may kasalanan,"pagsingit ko.


Habang magkayakap silang dalawa, nabitawan ni Axel ang pagkakayakap niya kay Paulyn at pumikit ang mga mata niya. Muntik na siyang matumba nang tuluyan pero hinigpitan ni Paulyn ang paghawak sa kanya.


"Axel?"sinubukan siyang gisingin ni Pau pero hindi na siya nasagot.

.

.

.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon