[21st CHAPTER]: Breakdown

67 5 3
                                    

(A.N: Sorry na agad kung hindi ko man effective yung pagsulat para mafeel yung intensity ng nangyayari huhu.

PS: Si Beomgyu yung portrayer ni Cedric, si Huening Kai si Kai na obvious na hahaha, at si Taehyun naman si Aiden hehe.)


Namalayan ko na lang na lumuluha na ako, habang nanatili pa ring nakatulala sa bahay. Hindi pa rin ako makagalaw sa puwesto ko kahit nagsimula nang pumatak ang ulan. Dali-daling lumabas ng bahay si Cedric, kasama ang papa niya na naghango ng mga sinampay para hindi mabasa. Siya nga ang papa ko at hindi talaga ako namamalik-mata. Tumakbo na sila ulit papasok nang matapos na silang maghango ng sinampay, at ako naman ay basang-basa na dahil para akong naging tuod na nanigas sa kinatatayuan ko.


Hindi ko malilimutan ang araw na naghulog ako ng bulaklak habang binababa ang kabaong niya. Ang ilang linggong pagkukulong ni mama sa kwarto, habang yakap-yakap ang wedding picture nila. Ang muntikan nang pagtigil ni kuya sa pag-aaral noong college siya dahil labis na naapektuhan ang mental health niya. Naalala ko rin na maski si Kai ay halos hindi na umalis sa tabi ko noon dahil sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay niya.


Parang nakikisabay pa ang ulan sa akin, at dumami ang luhang dumaloy sa mukha ko na hindi naman na halata dahil basa na ang buong katawan ko. Para akong kinapos sa hininga at bigla na lang akong napatakbo, habang iniiwasan ang mga tinginan ng tao dahil para na akong basang sisiw. Natagpuan ko na lang ng sarili ko na tumatakbo sa sementeryo malapit sa bayan, kung saan naroon ang puntod niya.


Kung ganun, kaninong katawan ang nakalagay sa kabaong? Anong dahilan niya? Bakit pineke niya ang pagkamatay niya? Kaya ba sinadyang sunog ang mukha ng bangkay para hindi kami maghinala? Nasaktan na nga kami nang malamang may iba na siyang pamilya, lalo na kaya ngayong pagpapanggap lang pala ang kamatayan niya. Sana totoo na lang na namatay na siya, para hindi na bumalik ang sakit na naramdaman ng pamilya ko. Mas masakit pa ata ito kaysa sa kamatayan niya.


Dire-diretso akong lumapit sa puntod niya at nanlambot ang tuhod ko sa lamig ng ulan kasabay na rin ng panghihina ko sa nakita ko. Ito na ba ang sagot sa lahat ng katanungan ko? Pero hindi ko ito kayang sabihin lalo na kay mama, dahil paniniguradong doble ang sakit na mararamdaman niya. Napaluhod ako at dinampot ko ang malaking batong kasinlaki ng dalawang kamao na nakalagay sa gilid ng puntod niya.


Anthony L. Montanilla

August 31, 1969 - June 09, 2015


Tinitigan ko nang masama ang puntod, na para bang siya ang tinititigan ko. Hindi ko na kinaya ang bigat na nararamdaman ko at nakisabay ako sa ulan.


"AHHH!"sumigaw ako at hindi ko napigilan ang sarili ko na ihampas ang bato sa puntod niya para ilabas ang galit ko.


Nabasag ang ibang parte ng puntod at hindi ako tumigil hangga't hindi lumalaki ang basag nito. Galit, sakit, lungkot at pighati na mas malala pa kaysa sa noong araw na namatay siya dahil sa pagligtas sa amin ni mama. Binitawan ko na ang bato nang mapagod na ako kakahampas.


Mas mahal ba niya si Cedric kaysa sa amin ni kuya? Hindi ko man maipagmalaki ang sarili ko, pero si kuya, matalino siya at independent. Ako ba ang dahilan kaya nagkaroon siya ng malaking rason para iwan si mama?


"Ano bang wala sa amin na meron sa iba? Bakit mo pinlano ang pagkamatay mo, para ba malaya mong makasama ang iba mong pamilya? Bakit mo sinaktan si mama?!"inilabas ko ang hinanakit ko.


Kasalanan ba ni mama na umibig siya sa maling tao? Napakabuting tao ni mama, bakit kailangang mangyari pa ito sa kanya. Sa pagkakataong ito, hindi lang ako naghihinagpis para sa sarili ko, kundi para din sa kuya at mama ko


"ANO BANG PAGKUKULANG NAMIN SAYO? BAKIT MO KAMI GINAGO?!"sigaw ko nang pagkalakas na parang ito na ang huling pagkakataon na sisigaw ako.


Nasundan ito ng paghagulgol ko, kahit pa na nahihirapan na akong huminga. Hindi ba't nakakatawa na umiiyak ako sa harap ng puntod ko na hindi naman pala ang tatay ko ang nakalibing dito. Hindi ko kakayaning sabihin ang lahat ng nalalaman ko sa pamilya ko. Ano pa ang maihaharap kong mukha kay mama nang dahil sa sikretong dala-dala ko na siguradong magiging dahilan para bumukang muli ang pahilom pa lang na sugat sa puso niya. Humagulgol lang ako hanggang sa mapagod ako nang hindi tinatakpan ang mukha ko.


Lumiwanag na ulit ang kapaligiran at tumigil na ang ulan. Malapit nang magtanghali at napagod na rin ako kakaiyak. Tumutunog ang cellphone ko kanina pa, pero wala na akong ganang sagutin pa ito. Ayoko munang kumausap sa kahit kanino, kailangan kong mapag-isa. Tinignan ko sa huling pagkakataon ang basag na puntod ang tumayo na para umalis sa sementeryo.


Ramdam na ramdam ko pa rin ang panlalamig, at pakiramdam ko ay may nakabara sa dibdib ko. Naglalakad ako sa gilid ng kalsada at binalewala ang tunog ng paligid. Hindi ko na alam pa kung saan ako pupunta at hinayaan ko lang ang mga paa ko na maglakad kung saan man nito gusto. Muli kong naalala ang mukha ni Cedric, at napatanong na lang ako sa sarili ko kung galit ba siya sa akin. Bakit pakiramdam ko ang daming rason para kaayawan ako?


Nanatili lang na nakayuko ang mukha ko kahit na maya't-maya ay nakarinig ako ng malakas na tunog. Nabigla ako nang may humatak sa kamay ko at natumba ako sa gilid, kasama ang taong humatak sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang naging malabo ang paningin ko.


Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng taong tumatapik sa pisngi ko.


Hindi ko rin makita nang maayos ang mukha ng taong ito, hanggang sa bumigat ang talukap ng mga mata ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko na madala sa antok. Gusto ko nang magpahinga.

.

.

.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon