"Alis na po ako mama!"hinalikan ko ang kakarating lang na si mama bago umalis. Mukha namang naging masaya siya sa naganap na team building nila kaya napangiti na lang din ako.
Mabuti na lang at nakasakay kaagad ako sa jeep, sabagay alas sais pa lang kasi kaya hindi ma masyadong marami ang nasakay. Papunta na ulit ako kila Axel para sumabay sa pagpasok. Nasanay naman ako sa mabilis na takbo ng jeep lalo na kapag ganito kaaga, mabuti na rin iyon para hindi ako ma-late.
Pero pagsilip ko banda sa driver sa harapan, napakapit ako nang makitang may sasalubong na humaharurot na jeep sa sinasakyan naming jeep! Napangiwi ako sa lakas ng impact at nahulog pa sa upuan ang ibang pasahero na hindi nakakapit. Ang lakas ng tunog ng pagkabangga at pati ang bintana ng jeep ay nabasag pa.
Kinabahan ako nang makaramdam ako ng hapdi sa balikat ko. Tinignan ko iyon at may nakabaong bubog sa kanang balikat ko kaya dumidikit ang dugo sa uniporme ko. Tarantang nagsibabaan ang mga pasahero na mga estudyante at ang iba naman ay mga trabahador. Bumaba na rin ako at umupo ako sa gilid ng kalsada malapit sa mga pasahero.
"Patay malalate pa ako sa trabaho nito!"
"May exam pa kami paano na ito?"
"Ang sakit sobra!"
Samantala, nagsialisan naman ang mga nasa limang pasahero na hindi ganon kalala ang sugat at ang iba ay hindi nagalusan. Sumakay sila sa ibang jeep na dumadaan at naiwan kaming mga nasugatan sa gilid ng kalsada. Maski ang mga nakasakay rin sa tabi ko at sa kabilang side ng jeep ay may sugat din galing sa bubog. Nakita ko pa ang isang buntis na pinapakalma ng isang lalaki na asawa niya yata.
May dumating namang isang ambulansiya, kung saan isinakay ang walang malay na driver at ang ibang may malalang galos.
"May darating pang isang ambulansiya kaya dito lang kayo,"sabi pa ng isang tao mula doon sa unang ambulansiya. Pinag-iisipan ko kung papasok na lang ba ako dahil naalala kong hinihintay pala ako ni Axel. Saktong tumunog ang cellphone ko at sinagot ko ang tawag.
"Abed, nasaan ka na?"
"Saglit lang, papunta na dapat ako diyan,"tumayo na ako at maghihintay na sana ng iba pang nadaan ng jeep nang bigla akong harangan ng isang pasahero na mukhang college student.
"Teka lang, isa ka sa mga dapat dalhin sa emergency kaya hindi kita papayagang umalis!"nakilala ko ang unipormeng suot ng lalaki na galing sa isang criminology school.
"Ayos lang po ako, malayo naman po sa bituka eh,"pagpapalusot ko pa.
"Sabi nang bawal, mas mapapahamak ka kung aalis ka!"nasigawan pa ako kaya natahimik ako.
"Teka Abed, ano yang naririnig ko may nangyari ba?"sabi naman ni Axel sa tawag.
"Ano kasi, nabangga sa isa pang jeep yung nasakyan kong jeep nung papunta na sana ako sa inyo. Mauna ka na lang pumasok, sorry kung hindi ako makakasabay,"pinipigilan kong maluha sa lungkot at sa hapdi ng sugat. Baka sumama ang loob niya lalo na at may pinagdadaanan siya.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...