(6 years later, 2032)
"Abed, gising na,"nagpalit lang ako ng posisyon sa pagtulog nang marinig ko ang boses ng asawa ko.
"Sugar pie, gising na may pasok ka pa,"naaamoy ko ang mabangong pagkain na mukhang niluluto ni Axel ngayon.
"Wala na akong pasok, tapos na kaya akong mag-aral,"sabi ko pa at bumalik ulit sa pagyakap sa unan.
"Teacher ka kaya, remember?"oo nga pala anak ng tinola! Napabangon ako dahil ayokong ma-late maski isang beses dahil nakakahiya naman sa mga estudyante ko.
Tumakbo kaagad ako sa banyo at dali-daling naligo. Pagkatapos kong maligo, nandoon ang uniform ko na maayos na naka-plantsa, nakahanda na rin ang almusal namin. Masarap talaga siyang magluto at napapangiti na lang ako. Isa na siyang ganap na CEO at pareho kaming abala sa trabaho namin, pero sinisigurado naming may oras pa rin kami para sa isa't-isa. Day-off niya ngayon pero ako hindi kaya medyo nalungkot ako.
"Don't worry, hinatid ko na sina Athene at Ashleigh sa school nila,"mabuti na lang at napaka-sipag niyang tao huhu. Adopted child nga pala namin silang dalawa na identical twins at 6 years old na sila. Galing sila sa isang ampunan at tapos na naming asikasuhin ni Axel yung papers para maging legal guardian nila kami, at ang apelyido na dala-dala nila ay ang apelyido ni Axel.
Dali-dali akong kumain ng almusal at dinampot ko ang susi ng kotse ko pagkatapos kong magbihis. May driver's license na ako nang dahil kay Axel, pero sinugurado kong pera ko ang ipambibili ko ng kotse ko dahil siya na nga ang bumili ng bagong bahay namin sa same subdivision pa rin kung saan nakatira ang pamilya ni Axel noon.
"Aalis na ako!"mabilis kong hinalikan sa lips si Axel, bago ako umalis.
"Susunduin kita mamaya sugar pie!"nasanay na ako sa pagtawag niya nang ganun sa akin.
"Eh dala ko kotse ko, paano yan?"
"I will call my secretary para iuwi yang kotse mo mamaya,"nga pala, minsan napunta sa bahay namin yung secretary niyang napalapit naman na sa amin.
Hanggang alas dos naman ang klase ko ngayong araw, kaya maaga akong makakauwi. Umalis na ako at buti na lang dahil hindi pa naman ako late. Pagkatapos pala ng school year na ito, sa DepEd na ako magtatrabaho at na-submit ko naman na ang resignation letter ko sa principal nitong international school na pinagtatrabahuan ko.
Iniwan ko sa table ko ang lahat ng gamit na dala ko at napangiti na lang ako nang makita ang name plate ko sa lamesa.
Abednego G. Montanilla, LPT, MaEd
Hindi man ito kasing-taas tulad ng pagiging CEO ni Axel, pero alam kong teaching is one of the noblest profession. Pinaghirapan kong makakuha ng lisensiya at makakuha ng masters degree. Sa America rin kami kinasal ni Axel dahil wala namang same-sex marriage sa Pilipinas at napagdesisyunan kong panatilihin lang ang orihinal na apelyido ko. Samantalang ang dadalhing apelyido naman ng mga anak namin ay ang apelyido niya.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...