[62nd CHAPTER]: Change of heart?

90 4 59
                                    

(A.N: Medyo nosebleed ako sa pagtytype ng ibang lines huhu sorry na agad sa mga mali ^^ )


--------(after 2 years, 2026)


"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride,"sabi ng pari at unti-unti namang tinanggal ni Kai ang veil sa mukha ni Claire. Dahan-dahan niyang hinalikan si Claire, na ganap nang Mrs. Jung ngayon.


Hindi ko maiwasang maluha dahil may asawa na ngayon si Kai, ang bilis ng panahon samantalang noon para ko siyang baby brother. Bilang na bilang ko pa kung ilan yung brief niya noon at ako palagi ang gusto niyang katabi sa pagtulog. Pero simula noong naging magjowa sila ni Claire, halos itaboy na niya ako. 


Ikinasal na rin sina Aiden sa isa niyang kababata noon at si Cedric naman sa isa niyang college friend last month, at ako palagi ang best man sa kasal nila. Ako ang unang nagkaroon ng jowa, pero hanggang ngayon ay virgin pa rin ako. Medyo natatawa pa ako dahil ang lahat ng asawa nila ay mga ilang buwan na ring buntis, pero si Cedric ang unang nakabuntis. Magkakaedad lang ang anak nilang tatlo, samantalang ako walang anak huhu.


Yung mga kaibigan kong kumag, ay ganap nang mga mister at future dads. Lahat naman kami ay may stable job na at ganap na akong licensed professional teacher (LPT). Masaya ako dahil nakapasa ako sa LET (licensure exam for teachers). Sina Kai at Aiden naman ay parehong registered psychometricians na habang si Cedric ay isa nang CPA (certified public accountant). Naka-leave ako ngayon sa trabaho ko sa isang international school for 3 weeks, dahil pinapasama ako ng mama ni Axel sa USA para sa gaganaping graduation ni Axel sa kanyang masters degree.


Kinalabit naman ako ni Cedric dahil kami naman ang magpapakuha ng litrato kasama ang bagong kasal na sina Kai at Claire. Parang dati lang, partner ko si Claire sa sayaw at hindi ko talaga inaasahang magiging close sila ni Kai pagkatapos ng graduation. Nabanggit sa akin ni Claire na nakapagmove-on siya mula sa pagkakagusto sa akin dahil sinamahan siya ni Kai sa mga panahong kailangan niya ng makakausap.


Hindi na ako ang palaging kasama ni Kai sa lahat ng pagkakataon dahil may asawa na siya ngayon at kailangan kong mag-adjust. Nakatingin lang ako kay Kai buong araw hanggang sa matapos ang reception, halatang sobrang saya niya at sobrang proud ako sa kanya.


Nagpaalam na ako kay Kai na uuwi na ako, dahil maaga pa ang flight namin ni tita papuntang USA. Hindi niya pinaalam kay Axel na sasama ako para masurpresa siya.

~~~


Nakarating na kami sa bahay nila tita dito sa Los Angeles, kung saan nanunuluyan si Axel. Sakto namang wala pang tao dito, kaya dali-dali akong tumulong kay tita sa pag-aayos at paglalagay ng gamit namin. Tinago ko muna ang maleta ko sa kwarto ni tita, para hindi mahalata ni Axel na nandito ako.


Alam na rin ng bestfriend namin ni Kai na si Kevin na nandito ako kaya makikipagkita ako sa kanya para makapag-bonding naman kami. May business na rin siya dito sa USA at may bahay na sila dito ng kanyang boyfriend na si Namjoon. Mabuti na lang at nasa Los Angeles din siya kaya malapit lang siya dito.


Nang makita ni tita na papasok na dito sa bahay si Axel, sinabihan niya akong magtago. Binuksan ko nang kaunti ang pintuan sa kwarto ni tita para mapakinggan ko ang pinag-uusapan nila at para sumilip na rin.

Wings [c. yj • c. sb] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon