"Two types of research, blah blah blah,"bakit ganon, ang bilis kong antukin kapag nag-aaral? Ito na ata ang pinaka-boring na Sabado sa akin.
Bumili na lang ako ng makukulay na neon highlighter para naman makatulong sa pag-aaral ko at ganahan akong magbasa dahil sa kulay nito. Exams week ngayon, at kahit papaano ay nadidivert ang utak ko sa pag-aaral kahit na napakatahimik na ng bahay simula nang huli naming pagkikita kay papa. Hindi lang din dapat puro kalandian at pagmomove-on kay Axel, sinusubukan ko ring galingan sa acads, lalo na at may pangarap ako para sa buhay ko.
*phone rings~
Dali-dali kong pinindot ang accept button nang makitang tumatawag si Kai.
"Tara overnight!"bungad niya kaagad. Naku, trip niya talaga mag-overnight kapag tinatamad siyang mag-aral nang mag-isa.
"Saan naman?"tanong ko.
"Diyan sa inyo! Wag kang mag-alala, may kasama tayo!"
"Hoy sino naman ya-"binabaan niya kaagad ako bago pa niya ako masagot sa tanong ko. Bastos talaga, siguradong on the way na siya dito kasi feel at home na talaga siya dito.
Bumaba ako saglit para magpaalam kay mama, at pumayag naman siya. Tinulungan ko siya saglit sa paghahanda ng pagkain at pagkatapos ay bumalik na ako ulit sa kwarto ko. Nagbasa na lang ako ulit habang kagat-kagat ang dulo ng highlighter. Napatayo ako nang marinig ko ang isang busina ng kotse.
Napatingin ako sa bintana at nagulat ako nang makita ang itim na kotse ni Axel. Bumaba roon ang nakaback-pack na si Kai na parang may pupuntahang adventure, at si Axel na may bitbit ding school bag. Sinalubong ko kaagad sila sa labas ng bahay.
"Bakit hindi mo naman sinabing si Axel ang kasama mo?!"sabi ko kaagad kay Kai.
"Gusto ko surprise eh,"pa-astig pang wika ni Axel at sumandal pa sa kotse niya habang nakapamulsa ang mga kamay niya.
"Magpapaturo na rin ako sa ibang part ng lesson,"dagdag pa niya at ngumiti.
"Dapat doon ka na lang sa jowa mo sumama sa pag-aaral, mas matalino naman si Pau kaysa sa amin,"diretso kong wika sa kanya.
"Teka, ayaw mo ba akong makasama ha?"tinaasan niya ako ng kilay.
"Bakit, nagsasabi lang naman ako ng totoo eh,"binigyan ko lang siya ng mapang-asar na ngiti.
"Edi wag! Ayaw mo naman sa akin bahala ka nga!"halos magdikit na ang kilay niya sa pagkunot ng noo niya. Nagcross-arms siya at padabog na nagmartsa palayo. Mukha tuloy siyang monggoloid na doggie.
Hindi ko naman na siya hinabol pa at palingon-lingon pa siya na parang nag-eexpect na hahabulin ko siya.
"Hmmmmp!"hirit pa niya nang makitang nakatayo pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Wings [c. yj • c. sb] ✔️
Fanfic"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...